HUMINGI ng tulong ang singer-comedienne na si Kakai Bautista hinggil sa nang-scam sa kanyang tiyahin.
Sa kanyang Facebook post, nakiusap ang komedyan na i-report ang account ng lalaki na humuthot ng pera sa kanyang tita.
“Hello Guys! I need your help. My Aunt is being scammed by this MAN on fb. He’s been asking money from her,” saad ni Kakai.
Tila nqbiktima ng love scam ang tita ng komedyana.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista, Ai Ai tinawag na ‘engkanto’, isinumpa ang basher
View this post on Instagram
Hinikayat rin ni Kakai ang madlang pipol na ugaliimg i-check ang mga kamag-anak.
“Juskow, silip silipin nyo ang mga auntie nyong malungkot, bantayan nyo yang silang mga bored,” pagpapatuloy ng singer.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Kakai ang screenshot ng account ng lalaki ngunit sinabi niyang hindi ito ang tunay na itsura ng nang-scam sa kanyang tiyahin.
“This is not your real fez. HEY KUYA, YOU ARE NOW BEING WATCHED,” babala niya.
The post Tiyahin ni Kakai Bautista nabiktima ng love scam appeared first on Bandera.
