HINDI raw dapat gawing kompetisyon ang pamilya at pag-ibig!
Ito ang paglilinaw ng aktres na si Sofia Andres matapos kumalat ang mga espekulasyong tutol siya sa relasyon nina Ella Pangilinan at Enrique Miranda.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story kamakailan, pinabulaanan ni Sofia ang isang balitang nagsasabing kontra siya sa relasyon nina Ella at Enrique.
“I want to make one thing clear. Standing up for myself and my family does not mean I am against anyone,” sey ni Sofia.
Baka Bet Mo: Sofia Andres kinuyog dahil sa hinahanap na personal assistant: Grabe ka teh!
“I have never viewed family as a competition. We all have different journeys, circumstances, and ways of building our lives,” dagdag niya.
Para sa mga hindi nakaaalam, karelasyon ni Sofia ang race car driver na si Daniel Miranda, samantalang asawa naman ni Ella si Enrique, na kapatid ni Daniel.
Dahil dito, hinimok ni Sofia ang publiko na tigilan na ang paghahambing sa mga babae, kanilang mga relasyon, at kani-kanilang pamilya.
Ayon sa aktres, pwede naman daw siyang maging masaya para sa ibang tao habang ipinagmamalaki rin ang sarili niyang pamilya.
“Please don’t turn my love for my family into a conflict that I never intended to create. I can celebrate other people’s happiness while being equally proud of my own,” pahayag niya.
Giit pa niya, “There is no competition here. There never was. Let’s stop comparing women, relationships, and families.”
“We can all exist, grow, and be happy without putting someone else down,” aniya pa.
Taong 2017 nang unang magkakilala sina Sofia at Daniel.
Noong November 2019 naman isinilang ang kanilang anak na si Zoe.
Noong June 2020, kinumpirma ni Sofia ang kanilang relasyon at ibinahagi rin sa publiko na isa na siyang ganap na ina.
Samantala, si Ella ang panganay na anak ng aktres na si Maricel Laxa at negosyanteng si Anthony Pangilinan.
Ikinasal sina Ella at Enrique sa isang Filipiniana-themed wedding sa Intramuros, Manila noong December 2023.
Noong June 2026, mas lalong naging makulay ang buhay mag-asawa nina Ella at Enrique nang isilang ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang Fernando Leon.
The post Sofia Andres kontra nga ba sa relasyon nina Ella Pangilinan, Enrique Miranda? appeared first on Bandera.
