Alden Richards: Sabihin n’yo nang mayabang ako…I’m a good person

Alden Richards: Sabihin n’yo nang mayabang ako…I’m a good person

Alden Richards kasama ang pamilya

NANINIWALA at ipinagmamalaki ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na isa siyang marespeto at mabuting tao.

Iyan ang bahagi ng mensahe ni Alden nang magbigay siya ng speech sa Hero For All 2026 kagabi, October 25.

20 ordinaryong Pilipino na nakagawa ng kabutihan at nagpakita ng pagmamahal at malasakit sa kani-kanilang komunidad ang pinarangalan sa naturang event.

Tumulong si Alden sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation, sa pagpili ng mga awardee mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mapasama sa listahan ng mga Hero For All 2026.

Ayon sa Kapuso superstar, “I really believe that if there’s one thing we have to be consistent about in doing in this lifetime, na kahit ano pang dumating sa buhay natin, it’s doing good.

“Being kind, being the change that we want to see in society. Sometimes we have to negate the effect of society, especially during the times na hindi na ‘to nakakabuti para sa atin,” ani Alden.

Sabi ni Alden, ang 20 Hero For All 2026 ay kapuri-puri dahil sa pagiging matulungin sa kapwa kahit pa nga kung minsan ay nakakalimutan na nila ang kanilang sarili.

Baka Bet Mo: Alden Richards: At my age right now, wala na ‘kong pakialam

“But the selflessness I’m talking about with the hero roster that we have, the heroes roster that we have is selflessness to the point of nakakalimutanan nila yung sarili nila.

“And I think I am a good practitioner of that kind of principle,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “I really do believe that if there’s one thing I’m proud of, sabihin niyo nang mayabang ako, pero alam ko, at the end of the day, I am a good person. No one can take that away.

“And I’m sure gusto ko ganu’n din yung maging mindset ng mga heroes natin na you can be proud to tell the world that you’re a good person. Please be proud of that fact,” mariin pa niyang sabi.

“I’m not saying na kailangan kong gumawa ng mabuti kasi I need to expect something in return. No.

“Do good without expectations of it returning to you kasi one way or another, it will find its way back to you,” saad pa ni Alden.

“Ang maganda kasi sa aspeto ng pagiging mabuti po ay libre. Libre siya, e. Ang paggawa po ng mabuti at pagpili sa paggawa ng mabuti, e, libre po sa araw-araw na ginawa ng Diyos,” pagbabahagi pa ng award-winning actor.

“So what I’m really trying to say is, and I would like to end with this, you know, statement na be good so the world could be a little good at the end of the day,” dugtong ni Alden.

Ang mensahe ni Alden ay ikinonekta ng kanyang fans sa malilisyosong rebelasyon ng social media personality na si Xian Gaza.

Kabilang na riyan ang alegasyon na may kaugnayan sa isang condominium unit at anim na mamahaling relo na ipinahiram daw kay Alden.

The post Alden Richards: Sabihin n’yo nang mayabang ako…I’m a good person appeared first on Bandera.

Source link