Skusta Clee ‘masaya’ sa buhay, tikom sa legal adoption ni Bia

Skusta Clee ‘masaya’ sa buhay, tikom sa legal adoption ni Bia

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang singer-rapper na si Skusta Clee o si Daryl Ruiz sa totoong buhay.

Ito ay matapos ang masayang pagbandera ng social media personality at dating niyang karelasyon na si Zeinab Harake hinggil sa legal adoption ni Ray Parks Jr. kay Zebbiana o Bia.

Si Skusta kasi ang biological father ni Bia ngunit matapos ang kanilang paghihiwalay ni Zeinab, ang nakilala na nitong ama ay ang napangasawa ni Zeinab na si Ray.

Sa kasagsagan ng balita na ganap nang “Parks” si Bia, marami ang nag-aabang kung ano nga ba ang reaksyon ng Ex-Battalion member hinggil sa pangyayari.

Baka Bet Mo: Skusta Clee sinupalpal matapos paghintayin sa ulan ang fans

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagamat tikom ang bibig ni Skusta sa legal adoption sa kanyang anak, nagpahiwatig naman siya sa pag-e-enjoy sa buhay.

“Enjoyin nyo yung buhay guys napaka saya mabuhay,” panimula niya.

Dagdag pa ni Skusta, “Wag ka matakot magkamali, normal yun. Katunayan yun na nabubuhay ka at may aral na kapalit yun.”

Sa ngayon ay wala pa rin siyang reaksyon hinggil sa kanyang anak kay Zeinab na si Bia.

The post Skusta Clee ‘masaya’ sa buhay, tikom sa legal adoption ni Bia appeared first on Bandera.



Source link