IN FAIRNESS, pinupuri ngayon ng madlang pipol ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa kanyang mga adbokasiya at pagtulong sa mga nangangailangan.
Matagal nang nagsasagawa ng charity works ang wifey ni Dingdong Dantes pero hindi na niya ito ipinangangalandakan pa sa buong mundo.
Puro magagandang comments at post ang nababasa namin ngayon mula nang umere ang episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho” last Sunday, November 8, kung saan na-interview nga ang DongYan.
Maraming nakapanood ng muling pagtatagpo ni Marian at ng veteran star na si Odette Khan. Personal na nagpasalamat ang premyadong aktres kay Yanyan sa pagtulong nito noong naospital siya.
Kasunod nga nito, ibinandera rin ng director at screenwriter na si Kip Oebanda ang pagiging matulungin at generous ni Marian Rivera na nakatrabaho niya sa pelikulang “Balota.”
Sa kanyang post sa X, ibinuking ni Direk Kip na ang tinanggap lang daw ni Marian na talent fee sa pagganap niya bilang Teacher Emmy sa “Balota” ay para sa isang araw.
“Secret’s out I guess. Marian donated to Mommy Odette for her treatment despite their complicated history.
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes sa pagsabak sa politika: It’s something that I don’t want
“Marami pang ginagawang ganyan si Marian, hindi lang public,” simulang pagbabahagi ng direktor about Marian.
Dagdag pang pahayag ng filmmaker, “Since na-expose na rin ang ibang good deeds: Marian Rivera only asked for 1-day worth of her TF (talent fee) for Balota, gave some to her own crew then the rest she donated to educational charity.
“She’s been helping friends and charities for 2 decades quietly. Smile Train dekada na,” ang sabi pa ni Kip sa kanyang post.
Matagal nang sinusuportahan ni Yanyan ang Smile Train, na isang nonprofit organization na nagbibigay ng free cleft surgery at comprehensive care sa mga kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
The post Marian Rivera 1 araw na talent fee lang kinubra sa ‘Balota’ appeared first on Bandera.
