Sister ni Kim Chiu na si Lakambini inaresto sa kasong qualified theft

Sister ni Kim Chiu na si Lakambini inaresto sa kasong qualified theft

Lakambini Chiu at Kim Chiu

INARESTO ng mga otoridad ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini Chiu kaugnay ng kasong qualified theft.

Ayon sa ulat, hinuli si Lakam kahapon, September 19, sa Barangay Wack Wack sa Mandaluyong City ng operatiba ng Quezon City Police District.

Naglabas ng arrest warrant ang Quezon City Regional Trial Court Branch 84, laban kay Lakam para sa naturang kaso na isinampa ng kapatid niyang si Kim.

Ang warrant ay may kaugnayan sa 124 counts ng qualified theft na isinampa ni Kim laban kay Lakam kaugnay ng umano’y pagkuha ng corporate funds ng kumpanyang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), na pagmamay-ari nina Kim at Lakam.

Nag-set ng piyansa ang korte ng P5.838 million para sa pansamantalang kalayaan ni Lakam.

Base sa inilabas ng resoluyon ng korte, may sapat na basehan para kasuhan si Lakam ng 124 counts ng qualified theft na may kabuuang halagang P44,396,331.65.

Matatandaang nagsampa ng kaso ang Kapamilya actress-TV host laban sa kapatid noong December, 2025 ng qualified theft matapos madiskubre ang “financial discrepancies” sa kanilang business

Habang isinusulat ang balitang ito, pansamantalang nananatili si Lakam sa Police Station 10 custodial facility habang naghihintay ng commitment order mula sa korte.

Baka Bet Mo: Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso

Ayon sa abogado ni Kim, bahagi ng business  management si Lakam kaya siya ang nakakaalam at nagpapalakad ng negosyo.

“The decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life,” ang pahayag ni Kim sa isang statement.

The post Sister ni Kim Chiu na si Lakambini inaresto sa kasong qualified theft appeared first on Bandera.

Source link