Shuvee Etrata secured sa sarili, ‘di takot sa pagpasok ni Anthony sa PBB

Shuvee Etrata secured sa sarili, ‘di takot sa pagpasok ni Anthony sa PBB

HINANGAAN ng madlang pipol ang Kapuso actress na si Shuvee Etrata matapos mausisa tungkol kay Anthony Constantino.

Sa kanyang social media livestream, natanong ang aktres kung anong magiging reaksyon niya sakaling magkagusto sa iba si Anthony.

Para sa mga hindi aware, mahigit isang taon na din buhay nang nagsimulang manligaw si Anthony kay Shuvee ngunit sa ngayon ay tila hindi pa rin sinasagot ng aktres ang lalaki.

Kaya naman marami ang nangalampag sa dalaga matapos mapanood na isa pala si Anthony sa mga housemate ngayong “Pinoy Big Brother Collab 3.0”.

Baka Bet Mo: Shuvee Etrata niregaluhan ng Bible ng nanay ni Anthony

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Going back sa livestream, maayos namang sinagot ni Shuvee ang tanong.

“Okay lang. Sinong hindi magkakagusto du’n beh?” panimula ng dalaga.

Pagpapatuloy ni Shuvee, “Nandito tayo para i-support siya. Kung hindi man mag-work ang

aming pagliligawan, may buhay pa rin siyang sarili niya, may buhay pa rin akong sarili ko.”

Aware naman ang dalaga na talagang pogi si Anthony at dahil nga nasa ligawan stage pa sila at malaya pa rin ito kung sakaling magkainteres sa iba.

At kung sakali mang mangyaring mahulog ito sa iba ay paniguradong masasaktan siya ngunit matatanggap niya ito.

“We don’t own each other. Nasa sa kanya na ‘yon. Masasaktan ako, yes, pero at least makıkılala natin siya, sabay-sabay natin siya makikilala,” hirit pa ni Shuvee.

Nagbigay rin ng mensahe ang Kapuso actress sa mga kapwa babae.

‘Yung mga babae diyan, magpaligaw kayo. Kung ma-realize ng lalaki na hindi talaga kayo ang gusto niya, tanggapin niyo. Na para bang wala nang manliligaw sa inyo? Be secured with yourself,” pagtatapos ni Shuvee.

The post Shuvee Etrata secured sa sarili, ‘di takot sa pagpasok ni Anthony sa PBB appeared first on Bandera.



Source link