HANDA nang bumandera ang P-pop boy group na SB19 sa panibagong global stage dahil kasali ito sa lineup para sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2027.
Masayang ibinahagi ng grupo sa kanilang social media pages ang magandang balita tungkol sa kanilang nalalapit na performance sa isa sa mga pinakakilalang music festival sa buong mundo.
Nakatakdang magtanghal ang SB19 sa dalawang weekend ng nasabing event, April 10 at 17, 2027.
Kabilang din sa mga kilalang artistang kasama sa lineup sina Tame Impala, Weezer, Phoebe Bridgers, ADÉLA, NCT, at marami pang iba.
Baka Bet Mo: SB19 natupad pagrampa sa Grammy Museum!
View this post on Instagram
“THE NEXT STOP IS OFFICIALLY ON THE CALENDAR. COACHELLA 2027. See you on the other side of the desert, A’TIN…” saad ng SB19 sa kanilang post.
Pangungunahan ni Dua Lipa ang unang araw ng festival, kasama sina Madonna, Zara Larsson, at Jisoo bilang ilan sa mga magtatanghal.
Samantala, si SZA naman ang magtatapos sa ikatlong araw ng festival, kasama sina Don Toliver, Kygo, Becky G, at BABYMONSTER.
Ipinahayag din ng SB19 ang kanilang excitement sa pamamagitan ng isang masayang reel kung saan makikitang nagli-lip-sync sila sa iconic na pagpapakilala ng BLACKPINK sa Coachella.
“We’re ready Coachella… SEE YOU IN 2027,” sabi sa caption ng grupo.
Kasunod ang nalalapit na debut ng SB19 sa Coachella ng makasaysayang tagumpay ng grupo sa Lollapalooza 2026. Nagtanghal din ang grupo sa international stage ng Summer
Sonic sa Japan sa huling bahagi ng taong ito.
Sila ang magiging ikalawang Filipino act na magtatanghal sa Coachella, kasunod ng makasaysayang paglahok ng kapwa P-pop group na BINI.
Kamakailan lamang, napili rin ang SB19 upang awitin ang “Together in Motion,” ang opisyal na kanta para sa pagiging tagapangulo ng Pilipinas sa ASEAN 2026.
Kinilala rin ng Senado ng Pilipinas ang grupo dahil sa makasaysayan nitong pagtatanghal sa Lollapalooza Music Festival sa Chicago.
The post SB19 babandera sa Coachella 2027: We’re ready! appeared first on Bandera.
