HUMINGI ng tulong si Pinoy rock icon Mike Hanopol sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa online bullying at ilegal na paggamit ng kanyang mga komposisyon.
Inireklamo ng 80-anyos na musikero ng cyber bullying at paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang isang hindi pa kilalang indibidwal.
Sa reklamo ni Hanopol sa NBI-Cybercrime Division, sinabi nito na gumawa pa ng limang social media accounts ang kanyang inirereklamo para lamang gulihin at insultuhin siya.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista na-bully sa gilagid, insecure dahil walang manliligaw
Inaaangkin din aniya ng indibidwal ang kanyang mga orihinal na komposisyon.
Inamin nito na marami ang gumagamit ng kanyang mga kanta ngunit humihingi ang mga ito ng permiso bilang respeto, bukod s pagkilala sa kanya bilang kompositor.
“Ang daming gumagamit ng kanta ko, pero okay lang ‘yun/ Yung iba naman nagpapaalam, nagpapasalamat, palaging binabanggit.
“Eh itong isa na ‘to, kanya na. Siya na raw ang writer,” dagdag pa ng dating miyembro ng Juan dela Cruz band.
The post Rock icon Mike Hanopol nagreklamo ng online bullying, harassment sa NBI appeared first on Bandera.
