Sam YG sa paghahanda ng gobyerno sa ASEAN Summit: It’s all for show

Sam YG sa paghahanda ng gobyerno sa ASEAN Summit: It’s all for show

NAGLABAS ng komento ang host at social media personality na si Sam YG hinggil sa ginagawang paghahanda ng gobyerno para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits na gaganapin sa Pilipinas. 

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, November 10, hindi niya napigilan ang hinaing sa pamahalaan dahil sa mga hakbang nito na pagtatakip ng mga nararanasang problema sa bansa para sa pagdating ng mga dayuhang bisita.

“Can we just talk about ‘tong whole ASEAN thing na ‘to?” panimula ni Sam sa kanyang video post.

Pagpapatuloy niya, “They’re reblocking EDSA, sobrang traffic the past couple of days, inaayos [mga] kalsada, tinatanggal ‘yong mga squatter para magmukhang maayong ‘yong Metro Manila. Pero maayos ba talaga?” 

Baka Bet Mo: Sam YG na-hulicam mga maletang sakay ng government vehicle

Nalulungkot rin si Sam para sa bansa at mga Pilipino dahil tila pansamantalang solusyon lamang ang ginagawa ng gobyerno at “panakip-butas” lamang para sa ASEAN Summit.

Hindi rin nito aktuwal na nasasagot ang tunay na problemang nangyayari sa bansa.

“Ang nakakalungkot eh inaayos lang nila for a certain event, kumbaga, panakip-butas. Tapos after that, ano, back to regular programming. “Sira-sira na naman yung [mga] kalsada,” giit pa ni Sam.

Dismayado rin siya dahil isa na namang band-aid solution ang nangyayari na hindi deserve ng mga Pilipino.

“Nakakainis lang if you think about it. It’s all for show. It’s all a band-aid solution pero hindi naman talaga naaayos yung problema,” sabi pa ni Sam.

Nakatakdang ganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) at World Trade Center sa Pasay City ang ASEAN Summit 2026 mula November 16 hanggang November 18.

The post Sam YG sa paghahanda ng gobyerno sa ASEAN Summit: It’s all for show appeared first on Bandera.

Source link