TULOY ang paglaban ng Kapamilya actor at singer na si Sam Milby sa kanyang diabetes.
Hindi naman nagpapabaya ang binata sa pag-aalaga sa kanyang sarili sa gitna ng pagkakaroon niya ng karamdaman.
Kung matatandaan, kinumpirma ni Sam noong Oktubre 30, 2025, na meron siyang Latent Autoimmune Diabetes in Adults (LADA) o mas kilala sa Type 1.5 Diabetes.
Baka Bet Mo: Sam Milby sa resulta ng general check-up sa Singapore: It’s bad, nakaka-sad
Sa bago niyang Instagram post, makikita ang litrato ni Sam kung saan super flex siya ng kanyang hunky body.
Pag-amin ng aktor, muntik na raw siyang mawalan ng pag-asa noong magkaroon siya ng Diabetes. Naisip din niyang sumuko na sa kanyang fitness journey sa edad na 42.
“When I found out I had diabetes, I was really discouraged. At 42, I almost gave up on my fitness journey,” bahagi ng caption ni Sam.
View this post on Instagram
Dagdag ni Sam, “But I realized giving up isn’t an option. I just need to keep fighting.”
Sabi pa ni Sam, palagi niyang pipiliin na harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay niya sa halip na sumuko.
“Despite the challenges, I choose to live my best life. And I’m just starting,” pahayag pa ni Sam.
The post Sam Milby muntik nang sumuko sa edad na 42 dahil sa diabetes appeared first on Bandera.
