SINAGOT ng negosyante at social media personality na si Rosmar Tan mga kumakalat na post sa social media hinggil sa panawagan na paimbestigahan siya sa National Bureau of Investigation (NBI).
Isang post kasi ang trending ngayon sa X (dating Twitter) na nagsasabing dapat siyang paimbestigahan dahil sa kanyang kwestyunableng properties at luxury cars.
Ang mga pahayag ni Rosmar mula sa kanyang interview sa “Toni Talks” ay muling lumabas kung saan sinasabi niya kung gaano karami ang kanyang mga mamahalimg sasakyan at iba pang properties.
Bukod pa rito, masaya niyang ibinandera na lahat ito ay nabili niya nang cash at walang utang, bukod pa rito, umaabot umano sa P13 milyong kita sa isang araw at pinakamahina na ang ₱5M sa isang araw dahil sa pagbebenta niya ng mga beauty products.
Baka Bet Mo: ‘Piso per parcel’ na pakulo ni Rosmar Tan sa negosyo ilegal – DOLE
View this post on Instagram
“mukhang susunod na to [Rosmar] na maiimbestigahan hay nako kumare,” saad ng isang netizen sa kanyang post.
Umabot naman sa social media personality ang tungkol sa isyu, at nanindigan laban sa mga panawagang imbestigahan siya dahil sa dami ng kanilang mga napundar.
“Dapat daw ako imbestigahan kasi daw ang dami naming napundar?HAHAHA porket di nyo kaya?Tapos kaya namin?Impossible na agad?” sey ni Rosmar.
Aniya, hindi porke hindi kayang gawin ng ibang tao ay nangangahulugan na imposible nang magkaroon sila ng maraming business at properties at iginiit niyang malinis ang kanilang pinagkakakitaan.
“Wala kayong mapapatunayan dahil malinis kami HAHA papasikatin nyo lang ako lalo,” dagdag pa ni Rosmar.
Tinatawanan na lang raw niya ang mga nababasa sa social media.
“Umagang umaga pinatatawa nyo ako HAHAHHAHA di nyo kasi kaya ang kasipagan ko. Kaya tamang aw aw nalang sila,” pagtatapos ni Rosmar.
The post Rosmar Tan kinuwestyon mga sports car, netizens kinalampag NBI appeared first on Bandera.
