PERSONAL na sumipot ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC) matapos ang mahigit isang taon, nitong Miyerkules, September 16, 2026.
Muling nasilayan ng publiko sa livestream ng ICC ang dating pangulo sa pagsisimula ng status conference hearing matapos ang mahigit isang taong pagkaka-detain nito.
Matatandaang nauna nang kinansela ng ICC ang nakatakdang status conference noong July 14 kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay Duterte matapos sabihin ng hukuman na wala pang isyung nangangailangan ng agarang pagtalakay bago ang paglilitis.
Sa inilabas na anunsyo ng ICC Trial Chamber III noong July 10, sinabi nilang walang partikular na usapin na nais ihain ng prosecution, depensa, at iba pang kalahok sa kasalukuyang yugto ng kaso.
Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte nalulungkot sa kulungan
View this post on Instagram
“Trial Chamber III has cancelled the status conference scheduled for 14 July 2026 in the Duterte case,” saad ng ICC.
Pagpapatuloy nila, “The Chamber decided as such in light of the parties and participants indicating that they do not have specific matters which require attention at this stage of the proceedings.”
Samantala, isa si Sen. Robin Padilla sa mga natuwa matapos muling masilayan si Duterte.
“Tatay,” maikling sabi ng senador sa kanyang Facebook page kalakip ang mga screenshots ng larawan nito.
Maratandaang noong March 2025 nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Duterte sa bisa ng noo’y arrest warrant na inilabas ng ICC, kaugnay ng kasong crimes against humanity dahil sa kanyang naging madugong kampanya kontra droga.
The post Rodrigo Duterte personal na dumalo sa ICC hearing sa unang pagkakataon appeared first on Bandera.
