HINDI papayag si Sen. Robin Padilla na mahuli ng International Criminal Court (ICC) gaya umano ng ginagawa sa kapwa senador na si Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa naging panayam niya sa media nitong Biyernes, Novembet 6, sinabi niyang wala siyang nakikitang rason para sumuko sa ICC kung siya man ang nasa katayuan ni Bato.
“Sumuko kanino, sa dayuhan? Hindi,” saad no Robin.
Pagpapatuloy niya, “Wala akong ano diyan. Kahit naman ako, kung ICC ito, hindi naman ako susuko. Bakit ako susuko doon?”
Baka Bet Mo: Robin Padilla umamin: Ako’y talagang kalat dito sa bayan natin
View this post on Instagram
Giit ni Robin, karapatan ni Bato ito at wala rin naman saw siyang nakikitang lokal na warrant of arrest.
”Hindi naman pagtakas ‘yon. Pero wala naman [Philippine-issued warrant of arrest] eh.
”Galing din naman sa bibig ng ating kaibigan na si DILG Secretary (Jonvic Remulla) noong oras na ‘yon, noong andon siya sa senado, wala talaga siyang hawak na warrant of arrest,” lahad ni Robin.
Hindi rin napigilan ng senador ang uminit ang ulo.
“Right ‘yan ni Bato. Right niya ‘yan, wala naman akong nakitang warrant of arrest na local, walang Court na humahanap sa kaniya, dayuhan ito ay nako. Uminit ang ulo ko ah,” sey ni Robin
Dagdag pa niya, dapat isipin mg publiko kung tama ang ginagawang pagbibigay ng P50 milyong pabuya para mahuli si Bato.
“Kung ako ang tatanungin, bakit nagkaroon tayo ng ganoon? Sana walang ganoon kasi dayuhan ito. Dapat nating namnamin na pera natin, pera n’yo ‘yan, gusto n’yong ipabuya sa paghuli sa senador n’yo. Iyong logic na ‘yon, namnamin ninyong mabuti kung iyon ba ay tama.
“Para sa akin, dayuhan nga iyan, e… basta foreigner, hindi tayo dapat ginaganyan ng mga foreigner sa sarili nating bansa,” banat pa ni Robin.
Matatandaang noong Mayo, kinumpirma ng ICC ang paghahain ng warrant of arrest laban kay Bato kaignay sa War on Drugs sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Huling nakita si Bato sa loob ng Senado noong madaling araw ng May 14 at ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan.
The post Robin Padilla uminit ang ulo, hindi pasusukuin si Bato sa ICC appeared first on Bandera.
