Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena

Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena

NAGLABAS ng pahayag si Sen. Robin Padilla matapos makatanggap ng subpoena mula sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya.

Ito ay kaugnay sa umano’y pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na makatakas sa Senate building noong May 2026.

Sa isinagawang press conference ni Robin nitong Miyerkules, September 16, sinabi niyang masaya siya nang matanggap ito.

Tila raw nabuhay ang kanyang pagiging “katipunero” matapos mapag-alaman na mayroon siyang subpoena.

Baka Bet Mo: Robin Padilla umamin na: Break na kami ni Bato!

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Una, naligayahan po ako, pagkasabi po sa akin ng aking Chief Legislative Officer na ‘Natanggap na natin yung ano [subpoena]’. Pabulong pa eh. ‘Ano ‘yan?’ sabi ko,” saad ni Robin.

Pagpapatuloy niya, ” Ako po’y naligayahan sapagkat alam naman po natin na itong ibinabato sa atin eh galing sa mga dayuhan, eh naliligayahan po ako kapag galing sa dayuhan kasi parang yung aking pagiging Katipunero, ay nabibigyang-buhay.”

Ani Robin, wala raw siyang naramdamang lungkot nang natanggap ito bagkus sumaya pa.

“Hindi po ako nalungkot, hindi po ako nalugmok, malamang yung lawyer ko nalugmok, pero ako po ay naligayahan,” sey pa ng actor-politician.

Natanong naman si Robin kung personal ba siyang dadalo sa pagpapatawag ng National Prosecution Service (NPS) sa September 25 upang humarap at sagutin ang reklamong inihain laban sa kanya.

“Opo, siyempre. Kahit po ang advice nila ay huwag na, hindi na kailangan, pero siyempre ‘yan po ay paggalang sa atin pong mga namumunong opisyal,” sagot niya.

Matatandaang natanggap ni Robin ang subpoena nitong Martes, September 15.

The post Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena appeared first on Bandera.



Source link