NANINDIGAN ang aktor at senador na si Robin Padilla na wala siyang balak na tumakbo sa susunod na eleksyon.
Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, September 18, sinabi niyang tahimik na buhay na lamang ang kanyang nais na makamtan.
“Wala na po akong planong tumakbo sa pulitika.,” umpisa niRobin.
Pagpapatuloy niya, “Maliliit pa ang aking mga anak, at isang tahimik na buhay-Islami ang aking pinapangarap at minimithi.”
Baka Bet Mo: Robin Padilla umamin na: Break na kami ni Bato!
View this post on Instagram
Tila buo na ang desisyon ni Robin na huwag nang sumali pa sa politika kapag natapos na ang kanyang termino bilang senador.
Aniya, mas ok pa raw para sa kanya ang magrekomenda na lang ng mga kandidatong napupusuan niyang katambal ni Vice President Sara Duterte na may balak tumakbo sa pagkapresidente sa 2028.
Kabilang sa mga irerekomenda ni Robin ay sina Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Ronald dela Rosa, Rodante Marcoleta, at Salvador Panelo.
“Sila po ang nais ko na pagpilian ninyo upang maging katandem ni Inday Sara.
“Maraming salamat po sa napakaraming kaibigan na nagtutulak sa aking pananatili sa pulitika, pero halata naman po na hindi ako nababagay sa mundong ito,” sabi pa ni Robin.
Matatandaang nauna nang naghayag ang senador na handa siyang tumakbo sa susunod na eleksyon lalo na kung iutos ito sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
The post Robin Padilla hindi tatakbo sa 2028 national elections appeared first on Bandera.
