Robin naghamon: Gumastos ako ng P900K, imbestigahan n’yo ko! 

Robin naghamon: Gumastos ako ng P900K, imbestigahan n’yo ko! 

INALMAHAN ni Senator-Judge Robin Padilla ang naging posisyon ng House Prosecution Panel sa ika-43 araw ng Senate impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Hamon at tanong ng action star at senador sa prosekusyon

kung may nakilala na ba ang mga ito na mambabatas mula sa Kamara na hindi nabubuhay nang simple. 

Ito’y matapos punahin ni Senator-Judge Pia Cayetano sa naganap na impeachment trial kahapon, Nobyembre 12, ang style ng pagtatanong ni private prosecutor Atty. Reynaldo Robles sa defense witness na si Chadrin Parian.

Baka Bet Mo: Robin sa death threat: Parang demonyo na ang mga kriminal sa pagpaslang ng tao

Napag-usapan kasi ang umano’y panlilibre ng mamahaling sapatos ni Atty. Mans Carpio sa mga young athletes para sa isang basketball tournament sa Malaysia. 

Sa naging interjection ni Sen. Robin tila binira niya si Robles sa ipinunto nitong dapat daw ay mamuhay nang simple ang mga nanunungkulan sa gobyerno. 

“Sa pagkakaintindi ko po, inyo pong sinasaksak sa kapuso, kapamilya, at kapatid ng ating mga kababayan na talagang dapat na mabuhay nang simple ang lahat ng public official,” ang hirit ni Padilla.

Mariin namang sinabi ni Robles kay Padilla na iyon daw ang ipinag-uutos ng batas. 

Sagot ng senador, “Sa tingin n’yo po ba, diyan po sa Kamara, meron po ba diyang mga nakakotse ng mga halagang P16 million to P22 million?” 

Sinagot siya ni Robles na wala siyang personal na impormasyon hinggil sa tanong ni Sen. Padilla.

Bwelta ng asawa ni Mariel Rodriguez, “Diyan po sa mga kasama po ninyong mambabatas, diyan sa mga katabi ninyo, meron po diyan nakakotse ng Mercedes-Benz, Wagon kulay itim? Wala po kayong alam.

“Siguro po dapat una nating tingnan ‘yong mga kasama natin. Dahil may kasabihan nga po tayo, ‘Tingnan muna natin ‘yong mga kasama natin bago tayo kumahol,’” pahayag ni Sen. Robin. 

Dagdag pa niya, tuloy pa rin ang pagsusulong nila sa Freedom of Information (FOI) Bill para mabigyan ng karapatan ang lahat ng Pilipino na malaman kung sino sa mga mambabatas ang hindi namumuhay sa simpleng paraan. 

“Makapag-bicam na kami para kung sinuman ‘yong nabubuhay na politiko dito sa bansang ito na nabubuhay nang sobra-sobra at walang kasimple-simple, huwag na po tayong maglokohan dito. 

“Sana alamin na natin talaga kung sino dito ‘yong nabubuhay na may 16 million, may 22 million, may maraming bahay dito po sa bayan natin,” sabi pa ni Padilla. 

Patuloy pa niya, “Noong kailan lang po, gumastos ako, P900,000. Gusto ninyo, paimbestigahan ninyo kung saan ko dinala. 

“Ito lang po, ‘yong mga pinagbabaril doon sa Tacloban, ginastusan ko ng P300,000. ‘Yong pinagbabaril po diyan sa South Cotabato, ginagastusan ko po ngayon ng P340,000. Imbestigahan n’yo ako,” ang hamon ng senador. 

The post Robin naghamon: Gumastos ako ng P900K, imbestigahan n’yo ko!  appeared first on Bandera.

Source link