RK Bagatsing may balak bang sumabak sa politika?

RK Bagatsing may balak bang sumabak sa politika?

BAGAMA’T nanggaling ang aktor na si RK Bagatsing sa pamilya na may history sa politika, wala naman sa kanyang plano ang makisali pa rito.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa siya kung may balak ba siyang pasikin ang mundo ng politics.

Pabirong sagot ni RK, “Nag-mayor na ako before e. Siguro OK na ‘yun.”

Ang tinutukoy ng aktor ay ang kanyang karakter sa Kapamilya teleserye na “Wildflower”. 

Baka Bet Mo: RK Bagatsing ayaw pwersahin si Jane Oineza sa pagpapakasal

“But seriously, personal kong opinyon, sa akin lang to. Honestly, I don’t think I’m qualified,” saad ni RK.

Aniya, labis na magkaiba ang mundo ng pagiging artista sa mundo ng pagiging politiko.

“Sa pagiging artista, kapag nagkamali ka ng line, you lose an emotion, you ask for take two. In politics, I don’t think pwede ang take two. Kapag nagkamali ka, lives are at stake, kinabukasan ng mga tao ang nakasalalay. Too much consequences,” sabi pa ni RK.

Dagdag pa niya, “I’d rather be a faithful storyteller na lang sa mga shows rather than an incompetent leader. So my answer now is a no.”

Ibibigay na raw niya ang politika sa iba ngunit siya ay walang plano na pasukin ito.

Si RK ang nakababatang kapatid ng aktor na si Raymond Bagatsing, na tumakbo bilang alkalde ng Maynila noong 2025 elections. Pumang-apat si Raymond sa karera sa pagkaalkalde, na napanalunan ni Isko Moreno.

Ang kanilang lolo na si Ramon Bagatsing ay ang pinakamatagal na nanungkulan bilang alkalde ng Maynila. Hinawakan niya ang posisyon mula 1972 hanggang 1986.

Kabilang si RK sa cast ng “Honor Thy Mother,” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Barbie Forteza, Khalil Ramos, at iba pa.

The post RK Bagatsing may balak bang sumabak sa politika? appeared first on Bandera.

Source link