Rica Peralejo umayaw sa PBB: Ba’t ko naman ibo-broadcast bad side ko!?

Rica Peralejo umayaw sa PBB: Ba’t ko naman ibo-broadcast bad side ko!?

BUTI na lang daw at hindi tinanggap ng aktres na si Rica Peralejo ang alok sa kanya na maging housemate sa “Pinoy Big Brother.”

Itinuturing pa nga niyang blessing in disguise ang hindi pagsali noon sa iconic reality show ng ABS-CBN na napapanood na rin ngayon sa GMA 7.

May idea si Rica sa ilang mga kaganapan ngayon sa “PBB Collab 3.0” partikular na ang mga kanegahang ibinabato ng netizens sa ilang housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa Thread post ni Rica, mababasa ang hugot niya sa “PBB” at ang pag-ayaw niya sa alok ng production na maging celebrity housemate noon ni Big Brother.

Baka Bet Mo: Wish ni Rica Peralejo sa Pasko: Citizenship sa isang maayos na bansa

“Sa lahat ng dumadaan sa feed ko about PBB ngayon, naisip ko talaga na thank God na humindi ako before (as in way before, dalaga pa ako nito) when I was asked to be part of the house,” simulang post ni Rica.

Dugtong ng aktres, “Siguro back then miski papano may onting wisdom ako na alam kong I would probably say or do things na macacancel ako.”

Inamin niyang hindi 100 percent na puro kabutihan ang iniisip niya, “Wala naman atang ganu’n. 

“At hindi naman sa itinatago ko sya pero bat ko naman ibrobroadcast din yung bad side ko. Tama ng sabihin ko nalang sa inyo,” sey ng aktres.

Pahabol pa niya, “Pero di ko na idedetalye pa. Kahit hindi ko naman wish yung maging super loved ako at magkaimage na super good ako kasi ayaw ko din ng inauthentic. 

“But yes I think hindi naman din kailangan magpublish ng sarili mong kasamaaan to be called authentic,” sey ni Rica.

Kamakailan ay naglabas ng official statement ang talen management arm ng ABS-CBN na Star Magic hinggil sa pambabastos at pang-ookray ng bashers sa mga bagong housemate sa “PBB Collab Edition 3.0” lalo na kina Cianne Domiguez at Shea Valerio. 

Binanatan ng netizens si Cianne matapos niyang sabihan ang kapwa housemate na si Jeo Ong na mabaho ang hininga.

“Ang baho ng hininga, e. Nag-toothbrush ka ba this morning? O yesterday morning pa?” hirit ni Cianne.

Kasunod nito, binengga ng supporters ni Jeo si Cianne sa iba’t ibang social media platforms. 

May ilang netizens naman ang nag-post sa social media ng birong hirit noon ni Jeo sa loob ng Bahay ni Kuya tungkol sa umano’y anghit o body odor nina Cianne at Shea.

The post Rica Peralejo umayaw sa PBB: Ba’t ko naman ibo-broadcast bad side ko!? appeared first on Bandera.

Source link