PAGKATAPOS ng “Rewind: movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gumawa ng kasaysayan sa Metro Manila Film Festival matapos maging highest grossing film ito sa taong 2023 na kumita ng P902 M globally ay muli silang magbabalik-pelikula.
Ang next project for DongYan ay ang “Remember” na isinulat ni Enrico Santos kasama si Daisy Cayanan-Mejares minus Joel Mercado.
Kuwento ni Enrico, “Ano ang susunod na ikukuwento natin kasi siyempre marami ang naghahanap ng parehong pakiramdam na naramdaman nila sa Rewind, ‘yung pag-asa, pagmamahalan, pamilya, mga simpleng kuwento na nauunawaan pero napakalalim ng pasok sa puso at napakahirap gawin no’
“Kaya buong grupo kasama sina Daisy at lahat ng tao ilang beses kaming nag meeting sa restaurant ni Mico (Del Rosario) Dean and Deluca pero pinagbayad po kami (natawa) pero nabuo po namin ang kuwento. Sa panahon na ito sa hirap ng buhay kailangan sulit na sulit ang napapanood ng mga Pilipino kaya we made it as special as we can.
“Siguro naging ispiration ko nu’ng sinusulat ito is that papaano ba ang relasyon ng pagmamahal sa alaala? Pag naalala mo ang tao mahal mo siya naalala mo ang pinagdaanan ninyo, pero paano pag hind imo na naalala ‘yung tao at pinagdaanan n’yo nanatili pa ba ang pagmamahal?
Baka Bet Mo: Marian Rivera bumanat tungkol sa ‘padlock’: Di ba, malandi ka?!
“So, mula po ro’n na-hatch namin ang kuwento ng mag-asawang nagkahiwalay dahil may pagkakamali na naganap dito sa Pilipinas at napilitan ang misis, si Ria (Marian) na mag-abroad kasama ng kanyang anak at kung bakit ay marami siyang dahilan sa puso n’ya. Pero dito niya tinigasan ang puso niya na hindi na sila magbabalikan ni Joseph (Dingdong) ng kanyang asawa pero may nangyari na mga ganap ng pagkakasakit na kinailangan nilang magpanggap na magbalikan para sa ikaliligaya ng anak nila sa napakahirap at napaka-alien na lugar tulad ng Quebec (Canada), doon ba nila mahahanap (ulit) ang kanilang pagmamahal?”
Say naman ni Daisy, “well basically ang kuwento lang talaga ng Remember is about a couple na nakalimutan nila what it means to love each other and because of the challenge which is ‘yung daughter nila her memories are fading they will ‘remember’ what it really means to love one another and it so happened that along the way they will realized that it takes a miracle to remember.”
Sundot tanong ni MJ Felipe na host ng mediacon, “Enough ba na maalala mo tapos okay na? Is that enough already to bring back the memory, is that enough already to bring back the love, nag equate ba agad ‘yun? Pag naalala ko na ibig sabihin mahal ko na ulit? “
Sagot ni Enrico, “ang alaala kasi ay tricky, eh. Pag naalala mo ang relasyon n’yo tulad ni Ria naalala niya relasyon nil ani Joseph naalala mo pati ‘yung sakit, hindi lang ang Ligaya. Naalala mo ang kasalanan ng ibang tao, naalala mo ang tampo mo, so, if you’re prepared to love, prepare to be hurt! Kaso hindi nila puwedeng ipakita sa bata.”
Sa Quebec ang locations ng “Remember” bakit doon?
“Originally kasi hindi ito sa Canada. We needed to find a location that’s far from the Philippines, so, that it will be physically hard for the father to just follow kasi financially it’s expensive, it’s the visa hindi agad-agad (approve), so, kailangan ganu’n may requirement na ganu’n ang kuwento para hindi sila kaagad mabuo (family), it’s a challenge for the family,” esplika ni direk Mae Cruz-Alviar.
Nu’ng una raw ay Europe dapat ang location at nag-ocular pa nga si ECS (Enrico) at nag-interview ng may mga ganitong kuwento at nagkaroon ng giyera.
“It’s too risky kaya hindi na puwede and then research ulit kami, and naalala ko ‘yung Quebec na it’s same feeling. It’s French province, so, sabi ko puwede doon tapos nalaman pa namin na ang motto ng Quebec ay ‘je me souviens’ which is ‘I Remember’ exactly what is the story is all about, remembering.
“So, everything just fell into places and then we found out that November 11 which is our showing (Philipine cinema) is Remebrance Day of Canada,” kuwento ni Direk Mae.
Parang inadya na sa Quebec sila mag-shoot dahil maraming green flag na silang nakita pati ang tattoo ni Marian na snowflake ay nakita rin nila ito sa isang simbahan na may ganito sa ceiling ng crypt, ang Shrine of Sainte-Anne-de-Beaupre.
‘’May tattoo kasi ako pagtingala namin sa ceiling same ng tattoo ko, snowflakes sa loob ng simbahan mismo ‘yun, tinawag ko agad siya (Dingdong), sabi ko, ‘Dad its a sign!’
“Kasi nakakatuwa ang daming pagkakataon bakit same ng tattoo ko ang nandoon sa simbahan,” masayang kuwento ni Marian.
Anyway, mapapanood na ang “Remember” sa November 11 sa Pilipinas at sasabay na rin sa ibang bansa simultaneously tulad sa Middle East cinemas, Australia at New Zealand sa November 12 at US Canada at Guam sa November 13 handog ng ABS-CBN Film Productions, Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDosPictures at Regal Entertainment.
The post ‘Remember’ ng DongYan ibabandera istorya ng unconditional love para sa pamilya appeared first on Bandera.
