ABANGERS na ang lahat sa pagpapakasal ng Kapuso celebrity couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
In fairness, marami na ang naiinip na malaman kung kailan magpo-propose si Rayver kay Julie Anne at kung kailan magaganap ang kanilang wedding.
Siguradong nakukulitan na rin ang magdyowa sa paulit-ulit na tanong sa kanila kung very soon ba ay magle-level up na ang kanilang relasyon na tumatagal na rin ng mahabang taon.
“Alam ko marami nang naiinip. For me kasi, siyempre ‘yung preparation nun, mas gusto kong personal muna. Malalaman naman nila ‘yung tamang timing. Open-book naman kaming dalawa,” ang pahayag ng TV host-actor sa panayam ng “24 Oras.”
Sey pa ni Rayver, “Ayaw mo naman na gagawin mo dahil nape-pressure ka, ‘di ba? Si Lord ang nakakaalam ng lahat ng ‘yan. Grabe rin kasi ‘yung respect ko sa mga magulang niya.”
Siyempre, hindi raw muna siya magbibigay ng detalye kung anuman ang naiisip niyang paandar sa gagawin niyang marriage proposal dahil nais niyang maging bonggang surprise ito kay Julie.
Baka Bet Mo: Julie Anne San Jose may rebelasyon sa first love: Naaning talaga ‘ko!
“Pero this one thing I can say for sure, huwag silang mag-alala kasi doon naman papunta ‘yan,” sey ni Rayver.
“Sobrang mahal ko ‘yung taong ‘yun. Alam kong siya na ‘yung makakasama ko habambuhay,” paniniguro pa ng aktor.
The post Rayver Cruz sa pagpapakasal nila ni Julie Anne: Alam ko marami na ang naiinip! appeared first on Bandera.
