ANG “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko” ni Bianca Umali ang magiging opening film para sa 14th QCinema International Film Festival.
Tampok ang boses ng Kapuso actress sa naturang animated movie bilang si Ella, ang 12-taong-gulang na batang mambabarang.
Siya ang nakikipaglaban sa masasamang espiritu habang hinaharap ang karahasan at pang-aabuso ng awtoridad na sumasalot sa kanyang komunidad sa gitna ng giyera ng gobyerno laban sa droga.
Magsisimula ang QCinema International filmfest sa Nobyembre 13 hanggang 22, 2026, na may malawak na seleksyon ng mga pelikula mula sa Pilipinas at sa buong mundo sa ilalim ng Genre’teurs, na isang “curatorial concept exploring the intersection of genre filmmaking and auteur cinema.”
Ang naturang festival ay patuloy ring nagdiriwang ng pagkakaiba bilang isa lamang sa dalawang lungsod sa Timog-Silangang Asya na nakatanggap ng pagkilala ng UNESCO Creative City of Film.
Ang “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko” ni Bianca na ibinase sa komiks ni Julius Villanueva ay idinirek ni Mervin Malonzo, under GMA Pictures.
Ang highly anticipated animated film na ito ay nakatanggap ng P1.5-million QCinema Project Market (QPM) Philippines Gantimpalang Co-Production noong 2023.
“Isang panaginip lang po na malaman natin talaga na kami po ay magiging isang opisyal na kalahok ng festival,” Bianca said at the CineAuteurs launch of QCinema 2026 at Max’s Restaurant on Scout Tuason Street in Quezon City on October 22.
The actress, who lends her voice to the title character in the GMA Pictures animated feature, calls it an honor to be among those celebrating Philippine cinema.
Sabi ni Bianca sa naganap na media launch ng film festival, “Isang panaginip lang po na malaman natin talaga na kami po ay magiging isang opisyal na kalahok ng festival.
Baka Bet Mo: Bianca Umali paano nga ba napatawad pagtsi-cheat ni Ruru?
“Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga tao para po sa sining at pelikula ng minamahal nating bansa,” mensahe ng girlfriend ni Ruru Madrid.
Samantala, ang magiging closing film naman sa 14th edisyon ng QCinema ay ang “Look Back,” ang live-action na adaptasyon ng manga ni Tatsuki Fujimoto.
Ito’y mula sa sikat na Japanese director na si Hirokazu Kore-eda, starring Natsuki Deguchi bilang Fujino at Aju Makita bilang Kyomoto. Ang pelikula ay sumusunod sa dalawang batang artist na ang pagkakaibigan at pagmamahal sa pagguhit ay humuhubog sa kanilang buhay at malikhaing paglalakbay.
Ang pelikula ay nag-premiere sa 83th Venice International Film Festival, kung saan ito nanalo ng limang karagdagang award.
Ang pangunahing bahagi ng QCinema 2026 na Genre’teurs ay ang mga section ng kumpetisyon nito, na nagtatampok sa umusbong na mga filmmaker sa Asya, matapang na mga debut ng direktor at pangalawang pelikula, kwento ng LGBTQIA+, at mga makabagong maikling pelikula mula sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
The festival’s main competition, Asian Next Wave, showcases some of the most exciting new voices in Asian cinema.
Kabilang diyan ang mga sumusunod:
1. 9 Temples to Heaven, directed by Sompot Chidgasornpongse (Thailand, Norway, France, Singapore, China, Hong Kong, Indonesia, Qatar), kung saan susundan ang businessman’s pilgrimage to nine temples after a fortune teller warns him about the imminent death of his mother. Ang pelikula ay nag-premiere sa Directors’ Fortnight section of the 2026 Cannes Film Festival.
2. A Girl Unknown by Zou Jing (China, France) naman ay isang coming-of-age drama following a young woman repeatedly uprooted and forced to begin life anew.
3. Fujiko by Taichi Kimura (Japan) naman ay female-emancipation drama set in 1970s Japan, portraying a single mother challenging societal expectations.
4. Fruit Gathering by Aung Phyoe (Myanmar, Czechia, France) is a queer drama following a young factory worker in Myanmar as she contemplates her future amid the realities of working life.
5. Hearing by Lê B?o (Vietnam, Singapore, Norway, France, Indonesia, Saudi Arabia, Cambodia, Thailand, Taiwan) ay isa namang intimate relationship drama exploring the silence and emotional distance between family members.
6. The Burning Giants by Phuttiphong Aroonpheng (Thailand, France, Singapore, Netherlands) blends social drama with fantasy, using fantastical elements to explore contemporary realities.
7. The World Before by Yoon Da-bi (South Korea) ay isa ring coming-of-age drama set on a quiet South Korean island, capturing the uncertainties and emotional transitions of youth.
8. Completing the Asian Next Wave competition lineup is Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw, an animated fantasy-horror film.
Mapapanood ang mga pelikulang kasali sa QCinema mula Nobyembre 13–22, 2026 sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema–SM City Fairview.
All festival screenings are priced at a discounted ticket rate of P200 each. Ang kumpletong information ng lineup ay nasa qcinema.ph.
The post QCinema 14 years na, ‘Ella Arcangel’ ni Bianca Umali babandera appeared first on Bandera.
