MULA sa matitinding batikos sa social media, pressure sa trabaho, hanggang sa mga negatibong komentong maaaring makaapekto sa kanilang kumpiyansa at emosyon, mahalagang mapangalagaan din ng mga artista ang kanilang mental health.
Halos lahat ng mga celebrities na nakausap ng BANDERA para sa paggunita ng Mental Health Awareness Month ay nagsabing ang pananampalataya at solid na support system ang kanilang kinakapitan para maprotektahan ang mental health nila.
Hindi porke sikat ay hindi na nasasaktan, at hindi porke nasa spotlight ay laging matatag. Sa mundong mabilis manghusga, paano nga ba pinangangalagaan ng mga artista ang kapayapaan ng kanilang puso at isipan?
ASHTINE OLVIGA
“Ako, I do read my Bible every day. Kasi sa work namin, sobrang exposed po kami sa negative things.
“And importante na alam mo kung ano yung papasok sa heart mo. And yung Bible po yung nagre-remind sa akin, guidance din, reminders kung ano yung value ko, na I am loved.
“Sa mga bashers naman po, siyempre, may pasulput-sulpot po, pero at the same time, importante na alam mo kung saan ka patungo. Alam mo kung sino yung tatawagan at hihingan mo ng advice.”
View this post on Instagram
MCCOY DE LEON
“Napakagulo na. Alam n’yo po, sobrang nahihirapan din po talaga ako. Paano natin mapo-protect ang sarili natin? Social media. Yes, kahit hindi ako social media na tao, pero nandiyan na po talaga. Niyakap na po natin, wala na tayong magagawa.
“At the same time po, nandiyan din po ’yung trabaho ko. Kaya ako nasagot po sa social media, kasi ang dami na… ang dami ng mga haters or bashers, mga trolls, kasama din po ’yun.
“Ang dami na po kasing perfect. Ang daming mataas ang tingin sa sarili sa social media. Tao pa rin naman tayo, eh. Hindi naman tayo perfect.
“Kaya kahit anong sabihin mo, kahit anong i-post mo, meron pa ring masasabi ang mga tao. And ’yun, ’yun ’yung unang paraan ko para ma-protect ang mental health ko, is to be private.
“Yun talaga po, eh. And much better way para paano siya i-handle, di ba? Kasi ’yun lang ’yung only way to protect yourself.
“Parang ang dami nang nagsasalita, ang dami nang nag-iingay. Ang gagawin na lang natin, ibigay natin sa Diyos ’yan, hayaan natin Siya.
“Dati kasi nagme-medication pa ako for my mental health. And sabi ko, ayokong hayaan ’to na habambuhay. And siguro, sa process, natutunan ko rin na tanggapin.
“Kasi ’yung pinakaunang way, mag-awareness ka, aware ka na meron kang ganoon, meron kang problem. And really talaga, Diyos talaga. ’Yun ’yung endgame, eh, no? Totoo talaga, eh.
“Minsan, mapapasa-Diyos mo na lang talaga. Ibigay mo na lang talaga sa Kanya ’yung challenge na ’yan para sa iyo. Hindi siya ’yung panghabambuhay.”
View this post on Instagram
POPS FERNANDEZ
“I think mental health is very concerning. Alam mo, dapat kasi talaga, we don’t take life seriously. That is easy to say, but it’s very hard to do.
“So, it helps a lot when we are very busy, when we’re productive, and we have to have a very good support system, either our family or our friends.
“So, para rin sa sarili ko ito sinasabi, akala n’yo life is easy. It’s not. I also do the same thing. Pero ‘yun nga, kapag alam kong nalulungkot na ako, na…kinu-question ko rin ‘yung sarili ko, I try to amuse myself by not focusing on the difficult situation.
“Hindi ko naman sa hindi iniintindi, pero prayer helps a lot. It helps ease my anxiety, because parang anxious tayo, di ba? And if we have so much faith, we will believe kasi na anything, through prayers, will heal and get answered.”
DAVID LICAUCO
“I just take to control what I can control, and I just let them. For example, traffic, tatanggapin ko na lang, let it be. You can’t do anything.
“For example, may isang bad trip sa trabaho, you just let them. ‘Di mo kailangang mahawa. Kasi sila yun eh. Minsan maba-bad trip ka rin, but let them be. Hayaan mo na lang.
“Sa mga bashers sa social media, wala masyado. I think naaapektuhan lang ako sa acting, kasi trabaho ko yun, e. And I worked so hard to get to where I am, and I feel like ‘yung mga nagawa kong teleserye na maganda ‘yung ipinakita ko, panoorin nila para matanggal ‘yung image ko na ganu’n.
“Pero aminado ako, noong nagsisimula ako, bano talaga ako. Lahat naman nagsimula nang ganu’n. Kahit naman nag-aaral ka ng something, bano ka talaga sa start. First time mo pa lang.
“So yeah, I mean, hopefully lang we just stop the negativity, you know. Ang problema ngayon sa mga nangyayari sa mundo, parang people are so afraid to faith. Why? Because of social media, because of bashing, because of Reddit, because of X, because of comments from fake accounts.
“So let’s stop that. Kasi you won’t learn. They won’t learn.”
View this post on Instagram
AUBREY CARAAN
“Katulad po dito sa industry natin, hindi po maiiwasan yung mental health issues, lalo na sa social media, ang dami talagang naaapektuhan.
“And what I’m doing right now, I lessen ko po yung social media, pag-i-scroll ko. Also, natutunan ko po for me to do better mentally, I just try, you know, have a conversation with the people I trust, my family, my friends.
“At saka, ito yung laging nilalagay ko sa isip ko pati sa puso, na parang, ‘Okay, you know, lahat ng worries mo, lahat ng fears, lahat ng problema, burdens mo, itaas la lahat kay Lord and it will be okay.”
The post EXCLUSIVE: David, Pops, Ashtine, McCoy, Aubrey protektado mental health appeared first on Bandera.
