MASAYANT ibinandera ng komedyanteng si Pepay Agular ang goods na goods na samahan nila mg kanyang biological son na si Kenjie.
Sa kang guesting sa “Chika Cart” nitong Martes, November 10, ipinagmalaki niya kina Baninay Bautista, Donita Nose, at Jeff Fernando kung gaano siya ka-proud bilang ama.
Chika ni Pepay, bata pa lang si Kenjie ay maaga na niyang ipinaintindi sa anak ang kanyang trabaho.
“’Pag nakikita niya akong nagme-make up na, pinapaliwanag ko sa kanya na pupunta akong trabaho. Dada kasi ang tawag [niya] sa akin.
Baka Bet Mo: Wacky Kiray sa pagkamatay ng mga comedian: Nakakapraning!
“[Sabi ko], ‘Hindi si Dada magme-make up kung hindi pupunta ng trabaho,” lahad ni Pepay.
Bata pa lang ang anak ay nakikita na nito ang kanyang trabaho at ngayon nga’y binata na ang anak.
“Simula maliit siya nakikita niya na akong ganon, kaya ngayon na 20 [years old] na siya, ang galing niya na magkabit ng false eyelashes,” biro pa ni Pepay.
Chika pa niya, “Actually, kapag naglalakad kami sa mall, napagkakamalan talaga kaming mag-jowa. ‘Yun nga ‘yung iniiwasan ko.”
Proud rin si Pepay dahil mataas ang respeto ng kanyang anak sa LGBTQIA+ community, na natutunan nito dahil sa pagmamahal at paggalang sa kaniya bilang isang ama.
“Isa lang ang proud ako doon sa anak ko talaga, kapag nakakakita ‘yon ng ibang bakla sa daan, alam na alam niya na hindi niya pwedeng bastusin ‘yon kasi alam niya na ang tatay niya ay bakla,” sey ng komedyante.
Nausisa naman ni Baninay si Pepay hinggil sa relasyon ng anak sa ina nito at dito niya inamin na hindi na sila nagkikita.
“Parang blessing sa akin ‘yung bata, ‘yung nanay naman, blessing din naman kasi siya ang nagbigay ng buhay sa anak ko, pero hindi na kami nagkikita,” amin ng komedyante.
The post Pepay Aguilar proud sa anak, never nangbastos ng bakla appeared first on Bandera.
