Ogie Diaz kampi kay Vice: Pag umokray kayo ng face, dapat mas makinis kayo

Ogie Diaz kampi kay Vice: Pag umokray kayo ng face, dapat mas makinis kayo

Ogie Diaz at Vice Ganda

IPINAGTANGGOL ng talent manager at host na si Ogie Diaz ang kanyang kaibigan at dating alagang si Vice Ganda.

Niresbakan ni Mama Ogs ang mga bashers at haters sa social media na nanlalait at nang-ookray sa itsura ng nag-iisang Phenomenal Box-office Star.

Sa kanyang YouTube vlog, nagsalita si Ogie hinggil sa patuloy na natatanggap na pambabatikos ni Vice mula sa mga socmed users.

“Ang nakakalungkot dito, ‘yung mas madaling mangnega, kaysa magsalita ng hindi nakakasakit ng damdamin,” ang punto ni Ogie.

May advice rin ang content creator sa lahat ng netizens na walang ginawa kundi ang mambengga at manlait ng pisikal na anyo ng kanilang kapwa.

“Kapag umookray kayo ng ganoong face, dapat mas makinis kayo,” sey ni Mama Ogs.

Patuloy pa niyang pagdepensa sa dating talent, “Kung grabe naman ‘yung mga comment kay Vice, grabe rin ‘yung mga pagtatanggol, pagdedepensa ng mga tao sa kanya.”

Dagdag na hirit pa ni Ogie, “Ang mga sikat lang ang mga ‘binabang-bang’ ng ganyan. 

Baka Bet Mo: Vice Ganda: Kahit anong paganda mo, bababuyin ka lang sa TikTok“Kasi ‘di ba kapag sikat, nilait mo, at pinansin ka ng mga netizen, kinontra ka, tapos ang purpose mo ay engagement, tapos nakuha mo naman ‘yung engagement, nakuha mo ang reaksyon ng mga tao, napagalit mo ‘yung mga tao, ‘di successful ka. Ang tanong, papatulan ba ‘yan ni Vice?” ang punto pa ni Ogie.

May pakiusap at panawagan din si Ogie sa lahat hinggil sa tama at makataong paggamit ng social media upang maiwasan ang pagiging “toxic” nito.

“Kailangan natin pangaralan ang mga tao na maghunos-dili kayo sa kaka-comment, lalo na kung wala naman kayong nararating sa buhay,” sabi ni Mama Ogs.

The post Ogie Diaz kampi kay Vice: Pag umokray kayo ng face, dapat mas makinis kayo appeared first on Bandera.

Source link