NAGBAHAGI ang cast ng “The Art of Breaking Up” na sina Kolette Madelo, Jude Hinumdum, Me-Ann Espinosa, Dingdong Bahan at Nikki Valdez ng kani-kanilang opinion tungkol sa love, heartbreak, at healing.
Tatalakayin ng “The Art of Breaking Up” ang iba’t ibang emotions na kasama sa pagtatapos ng isang relasyon—mula sa pagharap ng painful memories hanggang sa acceptance at paghahanap ng lakas para magpatuloy.
Para kay Jarren Garcia, ang maging bahagi ng “TAOBU” ang nagturo sa kanya na aralin ang bawat kanta nang higit pa sa simpleng pag-perform nito.
Bilang isa sa mga vocalist na magbibigay ng emotional voice sa stage, binigyang-diin ni Jarren ang kahalagahan ng pagtanggap ng “notes” mula sa director at lubos na pag-unawa sa experiences ng bawat character.
“As a singer, what I’ve learned in this production is how to take notes from the director and fully understand the scene because here, we’re not just performing.
“We’re not just releasing our own emotions—we’re embodying the emotions of the actors on stage,” saad ni Jarren.
Natutunan naman ni Kolette Madelo ang importansya ng kanyang role bilang isa sa mga vocalist ng “The Art of Breaking Up”.
Baka Bet Mo: Nikki Valdez shookt sa nanay na taga-Mindoro na nanganak pa sa edad 50
Mas nagets din niya na maging emotionally connected sa bawat kanta, “Hindi ka lang basta-basta kumanta, kailangan mo rin siya i-feel talaga para ma-express mo kung ano ang nilalaman ng mga kanta mo at ‘yung mga ina-acting ng mga actors para ma-feel nila.”
Ibinahagi ni Jude Hinumdum ang kanyang pananaw kung paanong harapin ang isang break-up.
“Heal because you deserve to, and heal sa sarili mong timing. Allow yourself to allow the grief—hayaan mo siya maging bisita kasi pagkatapos niyang magawa ang business niya, aalis naman ‘yun,” sey ni Jude.
Naniniwala naman si Dingdong Bahan na ang pagbibigay sa sarili ng space para maproseso ang break-up.
“I think the simplest way to deal with a breakup is to sit with it talaga. You don’t need someone to distract you, even yourself. Have yourself a ‘me time’ and treat yourself to a good sweet after,” lahad ni Dingdong.
Para naman kay Meann Espinosa, hindi kailangang madaliin ang proseso ng pag-let go.
“Siguro, you don’t have to rush it. Mas madali sa akin mag-let go if I treat that relationship not with anger, but as something I learned from,” ang punto ng singer-actress.
Binigyang-diin din niya ang importance ng pagtanggap na hindi lahat ng bagay ay dapat ibigay o suklian sa isang relationship.
“Nobody owes you anything. Mahalin mo na lang ang sarili mo muna,” sabi ni Meane.
“Na-learn ko na ‘yung art of breaking up kasi pwede naman eh, naghe-heal naman ang tao,” ang pagbabahagi naman ng aktres na si Nikki.
Marami raw siyang natutunan at realizations sa kanyang past heartbreak na isinasabuhay niya ngayon as a wife and a mother.
Sa pamamagitan ng stories, music, at performances ng “The Art of Breaking Up”, hinahangad ng cast na bagama’t maaaring maging painful ang heartbreak, maaari rin itong maging journey tungo sa self-discovery, acceptance, at healing.
Bukod sa grupo nina Nikki, kabilang din sa cast sina Yen Santos, Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison, kasama sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Yen Santos, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, Ruby Ruiz, Jake Cuenca at Janella Salvador, sa ilalim ng direksyon ni Dudz Teraña.
Huwag palampasin ang kantahan, kwento at emosyon na hatid ng “The Art of Breaking Up” mula November 6 hanggang December 6 sa PETA Theater Center. Available ang tickets sa TicketWorld.
The post Nikki, Dingdong, Kolette, Jude humugot sa love, heartbreak, healing appeared first on Bandera.
