Moira Dela Torre, Jason Hernandez OK na matapos ang hiwalayan: ‘We are civil’

Moira Dela Torre, Jason Hernandez OK na matapos ang hiwalayan: ‘We are civil’

Moira Dela Torre, Jason Hernandez

MUKHANG tuluyan nang nakapag-move forward sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez matapos ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Kinumpirma mismo ni Moira na maayos na ang pakikitungo nila ngayon ng kanyang dating asawa at wala na umanong anumang samaan ng loob sa pagitan nila.

Sa isang press conference, naging bukas si Moira tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jason.

“Yes, we are civil. And actually, we have been civil. I’m happy that the relationships that I have and that we all have, I’m happy that people have moved forward,” sey niya.

Baka Bet Mo: Moira inisnab, dinedma ng co-artists sa rehearsals ng ASAP sa Canada, true kaya?

Ang pahayag na ito ni Moira ay kasunod ng naging komento rin ni Jason tungkol sa kanilang relasyon ngayon.

Sa isang panayam sa Awit Awards, sinabi ni Jason na walong buwan matapos ang mga nangyari ay napagdesisyunan nilang isara na ang kabanata ng kanilang pagsasama.

“Actually, we’re okay. We talk, we’re very, very civil. Syempre, we’re not close but we’re very civil, very respectful with each other,” pagbubunyag ni Jason.

Kung matatandaan, ikinasal sina Moira at Jason noong January 2019 bago nila inanunsyo ang kanilang paghihiwalay noong May 2022. 

Noong panahong iyon, inamin ni Jason ang kanyang pagtataksil at sinabi niyang inaako niya ang responsibilidad sa kanyang mga ginawa.

Samantala, hindi lang tungkol kay Jason naging emosyonal si Moira sa naturang press conference.

Napag-usapan din ang tungkol sa ilang dating kaibigan niya sa industriya na naka-unfollow na sa Instagram.

“I opened up to a close friend of mine. But I didn’t backstab anyone. Not in that way. I wouldn’t do that. They’re all safer to me. So it was just one close friend. One. But it wasn’t that way,” chika ni Moira.

Dagdag pa niya, posibleng nag-ugat sa misunderstandings ang ilan sa nangyari sa kanilang pagkakaibigan.

“I know that a lot of the things that happened had something to do with a lot of misunderstandings. We never got to talk about it,” dagdag niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Moira na mahalaga pa rin sa kanya ang mga taong sangkot at umaasa siyang magkakaroon pa rin sila ng pagkakataong magkaayos.

“Whatever happened between all of that I would like that to be between us because I still love them very much. I’m very happy for all of their successes and I’m so hopeful for our reconciliation someday. They didn’t do anything wrong. I’m sorry,” saad niya habang emosyonal.

Samantala, nakatakdang magbalik-entablado si Moira para sa kanyang “Where It All Started” concert sa Mall of Asia Arena sa October 4.

The post Moira Dela Torre, Jason Hernandez OK na matapos ang hiwalayan: ‘We are civil’ appeared first on Bandera.

Source link