HINDI lang basta pagho-host ang gagawin ni Michael V. sa “Family Feud” habang pansamantalang wala si Dingdong Dantes.
May pangako rin kasi siyang gustong tuparin sa kaibigan at kapwa Kapuso.
Sa pag-upo ni Bitoy bilang special guest host ng sikat na game show, tiniyak niyang gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang saya at tawanan na nakasanayan ng mga manonood.
Bago pa man siya tuluyang sumabak sa “Family Feud,” nag-iwan na ng mensahe si Bitoy para sa aktor at sinabing handa siyang gawin ang kanyang makakaya para hindi mabigo ang tiwala nito.
Baka Bet Mo: Michael V: Nag-uusap kami ng asawa ko about migrating sa ibang bansa
“I’m humbled and honored, brother. Will do my best to keep all Kapuso families happy,” sey niya sa isang post.
Giit pa ng batikang komedyante at TV host, “Makakaasa ka.”
Matatandaang pansamantalang nagpahinga muna si Dingdong bilang host ng “Family Feud” para makapag-focus sa taping ng kanyang primetime series na “The Master Cutter.”
Dahil dito, si Michael V. muna ang napiling special guest host ng programa simula nitong September 17.
At kahit beterano na sa pagpapatawa at pagho-host si Bitoy, aminado siyang espesyal para sa kanya ang pagkakataong hawakan ang isang programang matagal nang minamahal ng mga Kapuso.
Bago pa man ang kanyang dry run, nakatanggap na rin siya ng mensahe mula kay Dingdong na noon ay nasa Amerika.
“Ipinakita niya ang suporta at saya sa bagong assignment ni Bitoy, kahit hindi pa man tuluyang naisasaayos ang lahat ng detalye ng kanyang pagpasok sa programa,” kwento niya.
Chika pa ni Bitoy, “Prior to my dry run dito sa Family Feud, nag-message na siya sa akin. Nasa Amerika siya. Hindi pa nga namin naisasaara ‘yung deal ng wife ko, ng manager ko, kinongratulate niya na agad ako.”
Ayon kay Bitoy, ramdam niya ang pagiging positibo ni Dingdong sa kanyang pansamantalang paghawak sa show.
“Nag-express na siya ng happiness, ng positivity, na ako ang papalit sa kaniya pansamantala dito sa show na ito,” aniya.
Dahil dito, hindi itinago ng komedyante ang kanyang excitement sa bagong assignment.
Nagpasalamat din siya sa buong team ng programa sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.
Pero bago pa man naging official ang pagpasok niya sa “Family Feud,” may isang bagay nang malinaw kay Bitoy: “Personally, I don’t want anyone else to host. I only want Dingdong.”
The post Michael V nangako kay Dingdong na aalagaan ang ‘Family Feud’: Makakaasa ka! appeared first on Bandera.
