TINAWAG na “false information” ng aktor na si McCoy de Leon ang chikang pinagsabay niya sina Elisse Joson at Sachzna Laparan.
Wala raw katotohanan ang tsismis na habang dyowa niya si Elisse ay nakipagrelasyon din siya kay Sachzna ilang taon na ngayon ang nakarararaan.
Nakachikahan sandali ng ilang members ng entertainment media ang aktor sa Black Carpet premiere ng kanilang pelikulang “VHS (Viva Horror Stories)”.
Naganap ito kagabi, October 26, sa Cinema 2 ng SM Megamall, na dinaluhan din ng iba pang cast members, kabilang na si Sachzna at ng controversial director ng movie na si Darryl Yap.
“I am always praying and hoping that we can be more responsible sharing information,” ang paalala ni McCoy sa madlang pipol.
“Lalo na false information, kasi may family involved. Both families involved. Lalo na pinaka-important sa ‘kin, may bata involved,” ang pahayag pa ng aktor.
Matatandaang ni-reveal ni Sachzna sa panayam sa kanya ng “Banana Krew” hosted by DJ Jhaiho, na naging magdyowa sila noon ni McCoy.
Pag-amin ni Sachzna, “Naging ex ko. Ex ko siya… Bata pa kami noon. Bata pa ako noon.”
Baka Bet Mo: Sachzna Laparan may bago agad dyowa: Anong heal, heal, wala akong sakit!
Nag-start daw ang closeness nila ni McCoy habang nag-aaral siya noon sa Lyceum of the Philippines University (LPU) at ang aktor naman ay pumapasok sa Mapúa University.
“After ng PBB niya, nanligaw pa ulit siya sa akin, hindi naman nanligaw, nagkaroon kami ng parang connection ulit, pero hindi na talaga nag-work out. Wala na talaga,” sey ni Sachzna.
Hirit ni Jhaiho, “Hoy, nakakaloka ‘yung revelation. After PBB, so ang eksena, sabay kayo ni Elisse?”
Esplika naman ni Sachzna, “Huh? Hindi ko alam. Baka hindi naman. Baka naghiwalay sila or what, pero hindi ko talaga alam!
“Oh my God! Puwede ba, alisin n’yo ito, i-cut n’yo ito. Pero after talaga no’ng PBB niya, nag-usap talaga ulit kami,” ang natatawang sey ng aktres.
Tili ni Jhaho, “Hoy, McCoy, linawin mo ‘to.”
Sey naman ni Sachzna after the revelation hindi pa sila uli nagkakausap ni McCoy o ni Elisse, “Hindi ko nga alam baka may nagalit sa akin.”
Well, baka naman during the premiere night ng “VHS” ay nabigyan ng chance sina McCoy at Sachzna dahil pareho nga silang present kagabi.
Showing na ang horror trilogy na “VHS” bukas, October 28 sa lahat ng sinehan nationwide mula sa Viva Films.
Ka-join din sa cast sina Sarah Lahbati, Ella Cruz at Kit Thompson.
The post McCoy de Leon umalma sa isyu kina Elisse Joson, Sachzna Laparan appeared first on Bandera.
