PROUD nanay ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa panganay na anak nila ni Ryan Agoncillo na si Yohan.
Sa pagdiriwang ng 22nd birthday ng dalaga nitong nagdaang November 9, nag-post si Juday sa social media ng emosyonal na greeting para sa anak.
Paglalarawan ng award-winning actress, ang pagiging nanay daw kay Yohan ang isa sa “most meaningful blessings of her life.”
Caption ng award-winning actress sa mga litrato nila ni Yohan kasama si Ryan at ang iba pa nilang mga anak, “22… my dearest first child , born out of deep prayers and love.. never once I regretted that prayer, regardless of what…
“We grew up together, learning what life has to offer,” saad ng aktres.
Pagpapatuloy niya, “But, you know what? Never once i questioned my life with you, each experience good and bad, is worth it…
“God has gifted us both to experience the feeling and the love of having a complete family, that alone is a blessing in itself.”
Siniguro rin ni Judy Ann kay Yohan na kahit anong mangyari ay palagi lamang siyang nandiyan at si Ryan para suportahan at gabayan siya sa kanyang buhay.
“My dear baby girl.. life is all about learning, but it will be all up to you where you want to go and where you want to be.
“Life is all about learning, thats how its just designed.. you make mistakes and you learn from it.. so, wherever life takes you.
Baka Bet Mo: Ryan Agoncillo kung payag magka-leading man si Juday: ‘Subukan mo!’
“Mom and dad will always be here.. cheering you as you spread your wings.. happy birthday baby girl. Love you always.. #22nasibuding.”
Nag-post din si Ryan sa Instagram ng series of photos ni Yohan sa pamamagitan ng video na may caption na, “Two two.”
Bukod kay Yohan, may dalawa pang anak sina Judy Ann at Ryan – sina Lucio at Luna.
Nauna rito, sa isang panayam, sinabi ni Juday na “answered prayer” ang pagdating ni Yohan sa kanilang buhay.
“Siya mismo, ‘yung pagdating niya sa buhay ko (ang ipinagpapasalamat ko). Kasi sagot siya sa dasal ko. I prayed for her.
“I asked the Lord in every single prayer, parati ako nagpupunta sa adoration chapel noong dalaga ako na, ‘Lord, sana kapag 26 na ako, magkaroon ako ng anak na babae.’
“I don’t know kung bakit ang specific nung edad. Hindi ko alam kung saan nanggaling, but at 26, I got Yohan. It changed my life. I wasn’t prepared.
“Naramdaman ko na lang na okay, go. Pag-uwi ko, nanay na ako. It changed my whole being, my lifestyle, everything,” aniya.
The post Judy Ann Santos, Ryan may promise para sa 22nd b-day ni Yohan appeared first on Bandera.
