SINO kaya ang susunod sa yapak ng Viva Artists na sina Lyca Garainod at Krissha Viaje sa in-anunsyong 48 finalists ng TnT at Viva para sa “SayaOke” gamit ang lakas ng TNT 5G?
Pitong weekly champions na maglalaban at isa sa 48 ang tatanghaling champion at magiging recording artist ng Viva Records.
Sa 48 ay may kanya-kanyang representative mula sa Luzon (24), Visayas (12) at Mindanao (12) matapos ang masusing screening sa audition entry na ipinadala sa pamamagitan ng Vivaoke app at patunay ang malawak na sakop ng SayaOke sa layunin ng TNT at Viva.
Magtatagisan sila sa biritan para sa lingguhang cash prize na P300,000 at ang natatanging pagkakataong maipamalas ang kanilang talento sa buong bansa.
Baka Bet Mo: Lyca Gairanod: Gusto ko talaga ‘yung madiskarte sa buhay
“Sa pamamagitan ng SayaOke, binibigyan natin ng platform ang mga nangangarap na mang-aawit mula sa buong bansa para maipakita nila ang kanilang talento sa publiko. Gamit ang lakas ng TNT 5G, pinapatunayan ng kompetisyong ito na kaya ng 5G connectivity na paglapitin ang mga tao at maghatid ng saya,” esplika ni Lloyd R. Manaloto, FVP at OIC ng Smart Communications, Inc.
Mula naman kay Ms MG Mozo, Pangulo ng Viva Music Publishing, Inc,“Isang pagkakataon ang TNT SayaOke upang tumuklas ng mga natatanging talento at bigyan ang mga aspiring singers ng pagkakataong maiparinig ang kanilang boses. Lalo kaming nasasabik na magkaloob ng recording contract sa isa sa pitong weekly winners na magbibigay-daan sa na itaguyod ang kanyang karera sa musika.”
Kaya naman sina Lyca at Krissha ay ini-engganyo nila ang lahat ng gustong mangarap tulad ng ginawa nila, sabi nga sa awitin ng una, “Puede Nang Mangarap.”
Say ni Lyca, “Minsan, isang opportunity lang talaga ang kailangan mo sa buhay. Kaya mahalaga ang mga contest tulad ng TNT SayaOke sa pagbibigay sa mga Pinoy ng chance para maipakita ang talento nila sa mas maraming tao at ma-inspire sila na magpatuloy lang sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.”
‘Our Yesterday’s Escape’, Viva One series ay isa si Krissha sa cast at bukod sap ag-arte ay hilig din nito ang pagkanta at sa katunayan ay bata palang siya ay mahilig na siyang magsa-Sali sa singing contest sa loob at labas ng bansa.
“Kailangan talaga ng patience and hard work para makamit ang iyong pangarap. Dapat matibay ang tiwala mo sa sarili, at wag palampasin ang mga opportunity na maipakita ang talent mo sa mundo,” kuwento ni Krissha.
At para suportahan ang mga paboritong kalahok ay kailangang sumabaybay ang mga TNT subscriber sa lingguhang live showdown sa TikTok at bumoto gamit ang voting credits na nakuha nila mula sa pag-load ng mga TNT promo.
Pwede rin silang sumali sa raffle promo sa pamamagitan ng pag-text ng RAFFLE sa 5858. Kabilang sa mga premyo ay limpak-limpak na salapi, mga 5G smartphone, mga motorsiklo, at mga e-bike.
Ang mga SayaOke Birit Booth na ginagamit sa mga live showdown ay pinatatakbo ng TNT 5G, na nagbibigay-daan sa real-time na labanan sa kantahan ng mga aspiring performer. Patuloy na pinalalawak ng TNT ang sakop ng 5G sa bansa, na kamakailan ay naiulunsad na sa Iloilo City, Bacolod City, Davao City, at Zamboanga City.
Ang TNT 5G ay suportado ng Smart, na kinilala ng Ookla® para sa paghahatid ng Best Mobile Video Experience sa Pilipinas noong unang kalahati ng 2026 matapos makakuha ng Video Score na 72.82, ang pinakamataas sa lahat ng telecommunications operator sa bansa.
The post Lyca Gairanod, Krissha Viaje excited sa ‘SayaOke’ winner, magiging parte ng Viva appeared first on Bandera.
