Brenda Mage pinaliguan ang aso gamit ang bleach, nag-sorry

Brenda Mage pinaliguan ang aso gamit ang bleach, nag-sorry

HUMINGI ng tawad ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyanteng si Brenda Mage dahil sa pagpapaligo ng aso.

Umani ng batikos ang ginawa niyang pagpapaligo dahil sa paggamit niya ng bleach bilang pang-sabon sa alagang aso.

Agad namang kinalampag ng netizens si Brenda na hindi ito dapat gamitin sa mga alaga dahil delikado ang kemikal para sa kanilang katawan.

Maging ang animal welfare group na SPAR Philippines ay nagbigay ng pahayag hinggil sa pangyayari.

Baka Bet Mo: Brenda Mage nakatanggap ng notice sa pag-promote ng sugal

Mabilis namang humingi ng tawad si Brenda sa kanyang maling nagawa.

“I am sorry for my Ignorance po,” saad ng komedyante.

Kuwento niya, ginawa niya lang ito dahil sa pagkabahala sa lumalalang kondisyon ng alaga matapos magkaroon ng fleas.

Nangako naman si Brenda na hindi na niya muling gagawin ang pagkakamali.

“Mahal ko po ang mga alaga ko.. at hindi ko po sila ipapahamal intentionally.

“Nagkamali ako dahil diko alam na ganun kasama yun sa kanila ang pag gamit ko ng harmful product… ngayon alam ko na diko namam na uulitin,” pangako ni Brenda.

Nagpaalala naman ang SPAR Philippines na poisonous ang bleach sa mga hayop.

“PLEASE TAKE THIS SERIOUSLY. ZONROX IS POISONOUS TO PETS!” sey ng grupo sa kanilang Facebook post.

The post Brenda Mage pinaliguan ang aso gamit ang bleach, nag-sorry appeared first on Bandera.

Source link