USAP-USAPAN ngayon ng madlang netizens sa social media ang “The Voice Kids” season 1 grand champion na si Lyca Gairanod.
Ito ay kasabay rin ng pag-trending ng kanyang kanta noong bata pa na “Pwede Nang Mangarap” na inilabas noong 2015.
Bukod pa rito, kaliwa’t-kanan rin ang mga reupload ng video clips ng interviews ni Lyca noong bata pa siya.
Pero kasabay ng pag-trending niya ay ang mga batikos rin na isa siyang “DDS” o tagasuporta ng mga Duterte.
Baka Bet Mo: Lyca Gairanod inspirasyon sa pagkanta si Mercy Sunot
View this post on Instagram
Sa katunayan, marami rin ang mga nagko-comment sa mga posts ni Lyca kaugnay sa kanyang political stance.
At ngayon nga’y kalat na sa social media ang screenshot ng kanyang matapang na sagot sa isa sa mga comments.
Sa komento kasi ng netizen, sinabi niyang mamahalin na umano nila si Lyca basta hindi raw ito tagasuporta ng simbolo o kulay na berde at pula na tila sumisimbolo sa “UniTeam” na tambalan noon nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.
“mahal ka na namin basta no to na ha? HAHAHAHAHAHA,” saad sa naturang komento.
Tugon naman ni Lyca, “Wala akong kailangan patunayan sa sainyo.”
Pagpapatuloy niya, “I worked hard for my family. Please dont take it personally love u y’ll.”
Mas lalo tuloy umingay ang pangalan ni Lyca dahil sa panibago na namang batikos ng netizens sa social media.
Samantala, sa kabila ng mga komento, wala pa namang inilalabas na kumpirmasyon si Lyca tungkol sa kanyang political stance.
The post Lyca Gairanod inakusahang DSS: Wala akong dapat patunayan sa inyo appeared first on Bandera.
