NAGDADALANG-TAO na ang dating dancer sa show ni Willie Revillame na si Lea Carla Santos, o mas kilala bilang si Luningning.
Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 43rd birthday, ibinandera ni Luningning na nadadalang-tao na siya sa unang anak nila ng asawang si John Gonzaga.
Sa pamamagitan ng Facebook, masayang ibinahagi ng dating choreographer at dancer ng dating noontime show ni Willie na “Wowowee” ang good news.
Kalakip ang mga litrato niya kung saan makikita ang kanyang baby bump, sinabi ni Luningning na isang napakalaking blessing ang ibinigay sa kanya ng Diyos.
“At 43, life has given me the most beautiful miracle — the blessing of becoming a mom for the first time.
“A dream I never imagined would unfold this way, but God’s timing is always perfect,” mababasa sa caption ng FB post ng dancer.
Pagpapatuloy niya, “My heart is full of gratitude for His love, grace, and this precious gift growing inside me.
Baka Bet Mo: Willie Revillame rumesbak sa dating intern: Bata ka pa lang, siraulo ka na!
“This birthday feels more meaningful than ever, as I celebrate not only another year of life, but the beautiful new chapter God has written for me.
“Thank You, Lord, for this miracle. My greatest blessing is yet to come,” mensahe pa niya.
Ikinasal sina Luningning at John Gonzaga noong 2024 at una nilang in-announce na magiging mommy at daddy na sila noong September.
“Our family is growing, and our hearts are full. Thank You, Lord, for this answered prayer,” ang post ni Luningning sa socmed.
Nitong nagdaang buwan, nagdaos ng intimate gender reveal ang mag-asawa kung saan ibinandera nila na they expecting a baby boy.
“The sweetest reveal of our greatest blessing,” ang post ni Luningning.
“Thank you to my family for all the love, and a special thanks to my sister @alleahsantos and tatay for arranging our gender reveal! So grateful for you all!” aniya pa.
Nakilala at sumikat si Luningning sa “Wowowee” kasama ang kapwa dancers na sina Milagring at Mariposa.
Matapos mawala ang naturang programa, nagtuluy-tuloy lang siya sa pagsasayaw at naging fitness instructor, choreographer, pole at aerial dance instructor.
Siya rin ang may-ari at managing director ng Stardanz Fitness Studio.
The post Luningning, ex-dancer ni Willie, ibinandera pagbubuntis sa edad 43: MIRACLE! appeared first on Bandera.
