NAG-EXPLAIN ang award-winning actress na si Lotlot de Leon kung bakit hindi siya nakadalaw sa puntod ni Superstar Nora Aunor sa Libingan ng Mga Bayani noong Undas.
Nagtungo sa Iriga City si Lotlot at binisita ang lugar na pinanggalingan ni Ate Guy kung saan daw sila dinadalang magkakapatid noon ng kanilang namayapang ina.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang premyadong aktres sa mediacon ng bago niyang pelikula, ang “40 Days” kung saan kasama rin niya sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa at Perla Bautista.
Bago pa mag-start ang presscon, ipinakiusap na sa media na sana’y wala nang magtanong tungkol kay Lotlot at sa kapatid nitong si Ian de Leon.
Matatandaang sa story conference ng “40 Days” nangyari ang pagsasalita at pag-iyak ni Lotlot hinggil sa umano’y samaan nila ng loob ni Ian matapos pumanaw ang kanilang nanay na si Ate Guy.
At sa presscon nga ng “40 Days” ay natanong na lamang si Lotlot kung pumunta ba siya sa puntod ng ina Guy noong nakaraang Undas.
Sey ng aktres, nasa Quezon province raw siya that time at tumuloy sa Iriga sa Bicol, ang hometown ni Ate Guy.
“I scheduled my trip talaga to go there. And then, dumaan lang ako du’n sa Iriga. Para ano… gusto ko lang tingnan yung lugar kung saan dati si Mommy, kung saan niya kami dinadala nu’ng bata kami,” saad ni Lotlot.
Sundot na tanong sa aktres ay kung may inayos ba siya sa Iriga dahil nga napag-uusapan pa rin ang mga naiwan umanong properties doon ng Superstar.
Baka Bet Mo: Matet tinalakan epal na bashers: Mga amoy tuyo’t tinapa na kayo!
“Well, ano’ng aayusin ko du’n?” ang natawang sagot ng aktres.
“Ano’ng aayusin du’n? Wala, dumaan lang ako. Wala naman akong aayusin doon. Ha-hahaha! Di ba?” aniya pa.
Samantala, may mga naalala raw si Lotlot habang ginagawa ang “40 Days” dahil nga tungkol din sa pagkamatay ng isang nanay na may dementia ang kuwento ng moviena ginagampanan ni Perla Bautista.
“You know, grief comes in waves naman. So, I don’t think it’s everyday. There are moments talaga that you’re still there, you’re grieving, you can’t believe na wala na.
“But at the same time, you’re just look back with a happy heart, grateful ka na naging parte ka ng buhay niya,” aniya.
Super appreciated din ni Lotlot ang mga Noranians na hindi pa rin nakakalimot sa kanilang nanay, lalo na yung mga dumadalaw lagi sa puntod ng Superstar para mag-alay ng panalangin.
“Salamat, and I’m also really just grateful for everyone who still you know, shows their support and nagmamahal kay Mommy. Forever grateful po yun,” ani Lotlot.
Anyway, showing na sa mga sinehan nationwide simula sa December 9 ang “40 Days” mula sa direksyon ni Louie Ignacio produced by LVD Management.
Kasama rin sa pelikula sina Lloyd Samartino, Ricardo Cepeda at Diego Gutierrez with Jayson David, Yvonne Asher, Franchezca Albo, Edrei Rosel, Arcelle Cabigting and Damian Efergan.
The post Lotlot de Leon hindi nakabisita sa puntod ni Nora nu’ng Undas dahil… appeared first on Bandera.
