EXCITED na ang mga fans ng Kapuso actress na si Mikee Quintos at content creator na si Lans Nagal sa magiging life nila sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0.”
Nakapasok bilang mga housemate sina Mikee at Lans sa pinakabagong edisyon ng “PBB” na nagsimula nang mapanood sa ABS-CBN at GMA 7.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Lans, siya ay tubong-Cavite at isang veterinary medicine student. Nakilala at sumikat siya sa mga makabuluhang content tungkol sa mga hayop.
“Deeper reason po talaga kung bakit gusto kong pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya is gusto ko makilala nila ‘yung totoong Lans behind nu’ng nakikita nila na three-minute video, 10-minute video na ina-upload natin on social media,” ang pahayag ni Lans sa pagiging housemate.
“Nagsimula po akong gumawa ng content noong 2025 at gusto ko po talagang mag-serve ng greater purpose sa iba’t ibang social media platforms through educational contents, giving back, and animal advocacies natin,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “Ngayon, gusto ko pong ipakilala ang sarili ko at makapagbahagi sana ako ng mga kaalaman at matuto mula sa mga makakasama ko sa loob ng Bahay ni Kuya.”
Samantala, handang-handa na rin si Mikee sa magiging journey niya sa “PBB Collab 3.0.” bilang “Independent Archi-tista ng Manila”.
“Bago ako payagan ng parents ko na mag-artista, nangako ako sa kanila na hindi ako titigil na mag-aral. It took a while, medyo 10 years din, pero finally, nakagraduate na rin ako last year,” sey ng aktres sa isang panayam.
Baka Bet Mo: Mikee Quintos na-bad trip sa pang-ookray ni Sassa Gurl: Nilaro talaga niya ‘ko!
Nag-graduate si Mikee sa kursong Architecture last year sa University of Santo Tomas.
Patuloy pa niya, “Last year lang din, sobrang nasubok ako from my breakup sa four-year relationship ko, and as part of my healing, nag-decide akong maghanap ng sariling place and to live independently.”
“With my newfound meaning of self-love, alam kong mas ready na kong i-share sa iba kung sino ako at ipakilala ‘yung totoong ako,” pangako pa niya sa madlang pipol.
The post Lans Nagal, Mikee Quintos ilalantad na totoong pagkatao sa PBB 3.0 appeared first on Bandera.
