Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso

Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso

PHOTO: Screengrab from Instagram

MATAPOS ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na rin ang kampo ni Lakambini “Lakam” Chiu tungkol sa kasong kinakaharap niya na isinampa ng sarili niyang kapatid na si Kim Chiu.

Sa halip na dagdagan ang tensyon, agaw-pansin ang pahayag ng kampo ni Lakam na umaasang maaayos ang gusot ng kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Dominic Solis, sinabi ng kampo ni Lakam na nakakalungkot para sa kanilang kliyente ang naging desisyon ni Kim na ituloy ang kaso.

“Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family,” sey sa isang pahayag, na ibinandera ng The Philippine STAR.

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa ex: Hindi kita pinagsisihan, pero hindi na kita babalikan

Wika pa, “She will address the charges through the proper legal process.”

Magugunitang naging usap-usapan ang magkapatid matapos magsampa ng kaso si Kim noong December 2025 sa Quezon City kaugnay ng umano’y iregularidad sa kanilang negosyong House of Little Bunny (HOLB) Philippines Inc.

Batay sa iniulat na resolusyon na inilabas noong September 1, nahaharap si Lakam sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y nawawalang P44.4 million na pondo ng kumpanya.

Nauna nang iniulat na nagkaroon ng imbestigasyon sa mga transaksyon ng negosyo matapos mapansin ang umano’y mga hindi maipaliwanag na withdrawal at transfer mula sa mga account ng kumpanya. 

The post Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso appeared first on Bandera.

Source link