Kris Aquino sa magiging jowa ni Bimby: Sana maganda ‘yung girl

Kris Aquino sa magiging jowa ni Bimby: Sana maganda ‘yung girl

Kris Aquino at Bimby Aquino Yap

NAGPAKATOTOO ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang prayers hinggil sa magiging future wifey ni Bimby.

Sa unang araw ng two-part television interview kay Kris ng “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong Miyerkules, October 28, marami agad nakakalokang rebelasyon ang TV host-actress.

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ng King of Talk na si Tito Boy ay ang tungkol sa love life ng bunso niyang anak.

Inamin ni Kris na totoong ipinagdarasal niya na maganda sana ang babaeng mapapangasawa ni Bimby bukod sa pagiging matalino at mabait.

“Anyone who will become Bimb’s girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka jackpot yung babaeng yun kasi maalaga si Bimb, mapagmahal, and I am so definite na he will be 100% faithful,” simulang pahayag ni Kris.

“I’ve been matching him with these girls na I say na Bimb I like her to be my daughter-in-law. Yeah, mama, she also wants you to be her mother-in-law. The problem is she doesn’t like me,” dugtong ng aktres.

Pagpapatuloy niya, “Ako talaga, ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ‘yung girl. I’m sorry. 

“I know it sounds na parang, ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’ Pero ‘di ba Boy kasi, Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name…” aniya pa.

Baka Bet Mo: Bimby Aquino magpapakasal lang kung…

Dagdag pang chika ni Krissy, “I’m sure hindi siya magmamahal ng someone na pangit ang ugali. Pero you know, baka magpa-cute pa-cute lang tapos nag-make up eh paano kapag nawala ‘yung makeup tapos hindi siya gano’n kaganda?”

Pero sey ni Kris, puro magaganda at matatalino naman ang ipinakikilala sa kanya ni Bimby, “So far, all the girls that I’ve met, all are pretty. And all are smart.”

Matatandaang maraming nagsi-ship na fans kina Bimby at Ryzza Mae Dizon mula nang magkasama sila uli sa “Eat Bulaga.”

The post Kris Aquino sa magiging jowa ni Bimby: Sana maganda ‘yung girl appeared first on Bandera.

Source link