IBINUNYAG ng aktor na si Keempee De Leon na ang kanyang naging unang dyowa sa showbiz ay si Manilyn Reynes.
Sa kanyang guesting sa “Kalurks”, napa-throwback ang aktor sa kanyang lovelife at mga artistang na-link sa kanya.
Dito nga ay inamon ni Keempee na si Manilyn nga ang kanyang unang girlfriend at tumagal lamang sila ng apat na buwan.
Agad naman siyang inusisa ni DJ Jhai Ho kung bakit saglit lang sila.
Baka Bet Mo: Keempee, Joey nagkaiyakan nang magkabati makalipas ang 5 taon
“Hindi kasi nu’ng mga panahon ng That’s Entertainment, mga partner-partner lang e, puppy-puppy love pa lang. Iba talaga ‘yung love-love talaga,” lahad ni Keempee.
Chika pa niya, wala siyang itinago noon sa publiko sa kanyang mga naging karelasyon sa showbiz.
“Ako wala akong itinatago e… Very transparent ako kasi. ‘Pag alam kong gusto ko ‘yung tao, I flaunt it. Kumbaga, hindi mo kailangan itago, kailangan ipagsigawan mo nga na gusto mo ‘tong taong ‘to,” sey ni Keempee.
Matapos nitp ay inisa-isa ni DJ Jhai Ho ang mga aktres na na-link sa aktor gaya nina Donna Cruz, Vina Morales, Carmina Villarroel, Ara Mina, Ina Raymundo, Jessa Zaragoza, G. Toengi, Manilyn Reynes, at Pauline Luna.
“To follow na lang ‘yung iba,” biro pa ni Keempee nang tanungin siya kung may nakalimutan sa listahan.
Kasunod nito ay ang kanyang pag-amin na ang kanyang TOTGA (The One That Got Away) ay si Carmina Villarroel.
“Ako very vocal naman ako. Alam na rin ng mga tao rito, even ‘yung mga sa showbiz, si Carmina. Kasi siya ‘yung pinakamatagal e… mga two years and a half,” saad ni Keempee.
Aminado rin ang aktor na hindi lahat ng paghiniwalay nila ng mga nakarelasyon ay maayos.
“Pero nu’ng couple of years ago, talagang nag-sorry naman ako sa kanila kung ano man ‘yung naging pagkakamali ko sa kanila. Kaya lahat sila ngayon good friends, even ‘yung mga asawa nila,” sabi pa ni Keempee.
The post Keempee de Leon TOTGA si Carmina Villarroel, first dyowa si Manilyn Reynes appeared first on Bandera.
