BUBUKSAN ng iWant ang magarbong mundo ng mga Pinay socialite, tampok sina Joanna Preysler-Francisco, Myrza Sison, Karylle Tatlonghari at Trisha Bantigue-Tsao.
Siguradong marami kayong masasaksihang kakaibang kuwento at rebelasyon sa bagong reality serye na “Manila Matriarchs.”
Matutunghayan dito ang bonggang success ng Manila art queen na si Joanna, fashion editorial royalty na si Myrza, multi-awarded actress-singer na si Karylle, at ang bigating CEO na si Trisha.
Ibabandera rito ang kanilang pang-araw-araw na karanasan kasama ang kani-kanilang pamilya, kaibigan, pati mga pagsubok na kanilang hinaharap.
Likha ng award-winning producer Cece Asuncion ang reality serye katuwang din ang Girl Bye Productions Inc. at Lucca Creatives.
Bukod sa pasilip sa kanilang pamumuhay, ibibida rin ng reality serye ang tagumpay at husay ng mga kababaihan sa mundo ng high society.
Palabas na ang “Manila Matriarchs,” exclusive sa iWant. Libreng mapapanood ang unang episode nito worldwide. At abangan din ang mga bagong episodes nito simula Nobyembre 24 (Martes).
Mapapanood ang eight episodes nito sa pamamagitan ng iWant subscription plans.
Samantala, sa naganap na media launch ng “Manila Matriarchs,” sinabi ni Karylle na paglabas sa kanyang comfort zone ang pag-join niya sa nasabing reality show.
“We were just being ourselves in front of a camera. Mahirap din siya kasi may mga part na may confessionals,” aniya.
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes sa power couple blind item: Basta ako, malinis tayo diyan!
“Siguro, a closer look and through a different lens,” dagdag ng TV host at aktres.
“I think I talked about some very personal stuff. Nagulat ako, I talked about it.
“Sa buhay natin ngayon, nag-overshare na tayo. So, I’m on the radio, so I do Good Times (radio show) in the morning, and then I do a podcast. So, more and more, you share this and that about yourself. Minsan, overshare,” aniya pa.
“Siguro mas naging matapang ako sharing my views politically, for example,” dugtong ni Karylle.
The post Karylle mas tumapang sa paglalabas ng saloobin sa isyu ng politika appeared first on Bandera.
