HINDI raw basta-basta nakayanan ni veteran broadcast journalist Karen Davila ang matinding pambabatikos na natanggap niya matapos i-moderate ang presidential debate noong 2016.
Sa panahong nagsisimula pa lamang umusbong ang mga troll farm sa social media, aminado si Karen na labis siyang naapektuhan ng mga negatibong komento, kaya napilitan siyang pansamantalang lumayo sa online world.
Sa panayam niya sa “Beyond the Exchange with Rico Hizon,” ikinuwento ni Karen kung paano niya hinarap ang masasakit na salita ng mga netizen.
“So I think my first trauma with the comment section, and I’d like to share it was during the presidential elections of 2016, when troll farms were born,” pag-alala niya.
Baka Bet Mo: Karen Davila sa bagong graduate na anak na si Lucas: You’re always in my heart!
Chika niya, “So I moderated the presidential debate, and a friend called me and said, ‘Do not open Facebook. Don’t open Instagram.’ Why? ‘Oh my God, Karen, you’re hated.’ So I read all of it, and that time in 2016, it petrified me.”
Matatandaang inakusahan si Karen na pagiging “biased” matapos niyang magtanong ng mabibigat na katanungan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na isa sa mga kandidato sa pagkapangulo noong 2016.
Pero hindi lamang batikos tungkol sa kanyang trabaho ang kinailangan niyang tiisin.
Mas masakit pa rito ang mga pagbabanta at komento na idinamay pati ang kanyang pamilya, kabilang ang anak niyang nasa autism spectrum.
Dahil sa tindi ng mga natanggap na komento, nagpasya si Karen na pansamantalang iwasan ang social media.
“Actually, in 2016, I turned off my comment section, my social media for one week,” pagbubunyag niya.
“You know, people think it doesn’t traumatize you. Today, no more because it’s been a while; it’s 2026 now. But in the start of the troll farms in 2016, that was so engineered,” aniya pa.
Aminado rin si Karen na dumating siya sa puntong kinuwestyon niya ang sarili dahil sa mga natanggap na pambabatikos.
“I ended up double — I’m questioning myself for a while there, you know. And I think journalists all over the world. I mean, in the Trump administration today, you can imagine what journalists go through in that same breath,” dagdag niya.
Sa ngayon, binabasa pa rin daw ni Karen ang mga komento ng netizens, pero hindi na siya nakikipagpalitan ng sagutan online.
Kasama rin sa panayam ang kapwa mamamahayag na sina Jeff Canoy at Karmina Constantino, na nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa mga mapanlait na komento at paratang na natatanggap nila habang ginagawa ang kanilang trabaho.
The post Karen Davila na-‘trauma’ sa pambabatikos dahil sa 2016 presidential debate appeared first on Bandera.
