Ina ni Kyle Echarri shookt sa basher na nagpa-deliver ng 20 food order pero COD 

Ina ni Kyle Echarri shookt sa basher na nagpa-deliver ng 20 food order pero COD 

Kyle Echarri at mga magulang

NAKAKALOKA at nakakabahala ang naging karanasan ng Kapamilya singer-actor na si Kyle Echarri sa mga basher at haters sa social media.

May nangyari pala noon sa kanilang bahay kung saan sobrang naapektuhan ang kanyang nanay dahil sa kagagawan ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay.

Sa November 8 episode ng “Gandang Gabi, Vice”, napag-usapan ang tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga magulang.

Natanong ni Vice Ganda sa binata kung ano ang role ngayon ng kanyang parents sa personal niyang buhay at career.

“Ako, pasalamat ako sa mga magulang ko may tiwala sila sa akin,” simulang pagbabahagi nu Kyle.

Sa loob ng ilang taon, ang kanyang nanay daw talaga ang umaasikaso at tumutulong sa kanyang showbiz career pero nagbago raw ang lahat nang dahil sa pambabatikos ng mga basher.

Kuwento ni Kyle, may isang tao o grupo pa raw na nagpa-deliver sa bahay nila ng 20 food orders na wala silang kaalam-alam. 

“There was a turning point in my life. It was a time na sobrang binash ako. May nagpadala ng mga 20 food delivery na naka-cash on delivery. Minessage nila yung rider, ‘Sabihin mo kay Kyle tigilan mo si (ano).’

Baka Bet Mo: Vice Ganda umamin: Kung g*go ka, g*go rin ako, I’m not always nice

“When I got home, sabi ko, ‘Mom, is there a party? What’s happening?’ Sabi ni mama, No, no, go inside,’” ani Kyle. Napilitan daw silang bayaran ang mga naturang order .

“I’m so mad that I go into my mom’s room, nanginginig siya sa kama,” ang sey pa ni Kyle kay Meme Vice.

“Sabi ko, ‘Mama, don’t worry. I promise you that this is the last time you’re ever gonna feel this. Ako na ang bahala sa lahat,’” sabi ng aktor.

After that, siya na raw mismo ang nag-aasikaso at nagdedrsisyon para sa kanyang showbiz career.

“Ever since then, parang she trusts me whenever I go out, see my friends, and all that. ‘Di na ‘ko kailangang magpaalam.

“I just made her that promise na ‘Talagang you’ll never have to worry about what I’m going through anymore. Kasi kaya ko na ang sarili ko,’” sabi pa ng binata.

Nagsimula ang showbiz career ni Kyle Echarri nang mag-join siya sa “The Voice Kids” noong 2015, kung saan nakapasok siya sa Top 6 kung saan ang nag-champion ay si Elha Nympha.

The post Ina ni Kyle Echarri shookt sa basher na nagpa-deliver ng 20 food order pero COD  appeared first on Bandera.

Source link