KAHIT naghiwalay sina Joshua Garcia at Julia Barretto ay napanatili pa rin nila ang magandang relasyon bilang magkaibigan.
Kadalasan kapag nauwi sa hiwalayan ang magkarelasyon na magka-loveteam din ay nawawala na rin ang pagkakaibigan at kung manumbalik man iyon ay sobrang tagal at nawala na rin ang kanilang chemistry.
Pero kakaiba ang JoshLia dahil inaabangan pa rin ng kanilang supporters ang kanilang loveteam.
Sa katunayan, naging blockbuster hit ang reunion project nila mula sa Star Cinema at ABS-CBN Studios na “Un/Happy For You” noong 2024 na kumita ng mahigit P400 million.
Kaya naman muling binigyan sina Joshua at Julia ng isa pang proyekto, ang “Always Yours, Never Mine” na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana mula sa script ni Vanessa Valdez na mapapanood na sa Setyembre 30 sa mga sinehan.
Bakit nga ba hindi nawala ang chemistry nina Joshua Garcia at Julia Barretto na hindi pilit?
“Siguro kasi hindi namin pinupuwersa na ‘okay ganito tayo na JoshLia. Kung baga nagre-react lang kami as actors at may mga ibinibigay siya sa akin sa eksena, and I respond, nagbibigay siya (Julia) and chemistry (kusang) lumalabas din ‘yun, di ba?” saad ng aktor.
“I think we just really enjoy of doing what we do and doing it together. When you’re honest, you’re mostly being yourself, I think,” opinyon naman ni Julia.
Sampung taon na ang JohsLia at hanggang ngayon ay marami ang natutuwa at kinikilig sa kanila kaya nasabing matindi pa rin ang kanilang chemistry.
Baka Bet Mo: Julia Barretto: Anak lang ako ni Marjorie, but I work hard for what I have
Samantala, ano ang dating ng titulo ng pelikulang “Always Yours, Never Mine” para sa dalawang bida.
Napatingin muna si Joshua kay Julia (sabay napailing), “Aray ko! Ha-hahahaha!”
Hirit ni Julia, “Kasi when you say pa lang ang sakit na.”
“Aray ko, siguro ilagay na lang natin na hindi ko kasi nakikita sa amin ni Julia (sabay make face) mas nakikita ko sa character nina Apollo and Luna, di ba?” tanong ng aktor sa aktres.
Say naman ni Julia na binigkas ang titulo ng pelikula, “Siyempre kanya-kanyang interpretation ‘yan, di ba? ‘Always Yours, Never Mine’ parang your willingness to give your heart to somebody else who can’t give theirs back to you.
“Ang sakit ding isipin ‘yun but it can be a different interpretation for everyone, pero to me is like always yours, you have me always. I’m always yours, I’m dedicated to you but how come I can’t have this one thing that I’m so committed to, I’m so willingly to just want you, to love you, to care for you, why can’t you be mine?” esplika ng aktres.
Balik tanong ni Joshua sa ex-girlfriend, “Bakit kaya?”
“Bakit kaya? Because people change their seasons, their protecting their responsibilities,” say ng aktres.
Hirit uli ng aktor, “Because we’re protecting the friendship?”
“Parang pumepersonal na ‘to Joshua! Oh yes, we’re protecting naman,” tumawang sagot ng aktres.
Tanong ni Robi Domingo sa dalawa bilang host ng mediacon ay kung ano ang magandang title sa tingin ng JoshLia sa relasyon nila ngayon.
“Always Yours, Never Mind, (saya tawa),” ani Josh
“Never mind? Look at me. Puwedeng ‘Once Yours’ (sabay tingin sa aktor nagsabi ng aray ko)…” hindi na natuloy ni Julia dahil wala siyang maisip.
Anyway, bukod sa JoshLia ay kasama rin sa pelikula sina Bianca Umali, Joy Barcoma, Karen Reyes, Bob Jbeili at Migs Almendras.
The post Joshua Garcia, Julia Barretto sa Always Yours, Never Mine: Ang sakit appeared first on Bandera.
