Jopay Paguia kay Rochelle: Kung ayaw po akong kausapin, walang problema 

Jopay Paguia kay Rochelle: Kung ayaw po akong kausapin, walang problema 

Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia

NAGLABAS ng saloobin si Jopay Paguia tungkol sa mga naging pahayag ni Rochelle Pangilinan kaugnay ng nangyayari ngayon sa SexBomb Girls.

Sinagot ni Jopay ang isyu hinggil sa umano’y hindi pagkakaunawaan ng ilang miyembro ng kanilang grupo.

Nagsalita si SexBomb Jopay sa YouTube vlog ni Sen. Imee Marcos, partikular na sa mga naging rebelasyon ni Rochelle about the iconic group.

Sey ni Jopay, “Ang sa akin na lang, I respect na lang po kung ano ‘yung sinabi niya. Hindi ko naman po sinabing totoo na ganu’n ako. 

“Lagi kong sinasabi na sa work ethics, grabe po, Ma’am. Kung work ethics lang po, pilay po ako. Wala po ako dito. Pero ang akin lang po kasi, may pamilya po ako,” paliwanag pa ni Jopay.

Nilinaw din niya na “walang masamang tinapay” sa pagitan nila ni Rochelle at sa katunayan, willing pa rin siyang  makatrabaho ang leader ng SexBomb. 

Aniya, kasama pa rin naman daw siya sa ilang upcoming shows ng SexBomb Girls.

“Kung ayaw po niya, ayaw niya akong kausapin, it’s okay. Wala naman pong problema sa akin. 

Baka Bet Mo: NEW ERA: Rochelle Pangilinan co-producer ng ‘Mama Mama’ ng SexBomb

“Lagi naman po akong nag-a-approach. ‘Pag dinecline, eh, di, decline. Wala naman po tayong magagawa, eh. Hindi ko naman mapipilit siya kung ayaw niya,” ang sey pa ni Jopay.

Nagpadala rin daw siya kay Rochelle ng mensahe, “Actually, mine-message ko noon, sabi ko sa kanya, mahal kita at hindi magbabago yun.”

Samantala, dinenay din ni Jopay na isa raw sa pinag-awayan nila ni Rochelle ay ang kagustuha niyang maging leader ng SexBomb.

“Ayoko pong maging leader kasi ayokong magturo. Hindi kasi ako bossy na tao, e. Kumbaga, parang what you see is what you get po sa akin,” sabi ni Jopay.

Matatandaang sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Rochelle natanong kung bakit wala sa music video ng bagong single ng SexBomb Girls na “Mama Mama” sina Jopay at Sunshine Garcia.

Dito nga inamin ni Rochelle na tulad sa isang pamilya o grupo ay hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan.

“Kung gusto n’yo na maging leader ako, kailangan rumespeto tayo, kailangan magkaroon tayo ng respeto sa isa’t isa. 

“Kailangan magkaroon tayo ng work ethic, kailangan magkaroon tayo ng discipline. Maraming kailangang gawin na mapagkakasunduan ng bawat isa,” ani Rochelle.

Dugtong pa niya, “Kumbaga, sa isang boat, isa lang tayo ng sagwan kasi hindi pwedeng hindi kayo makikinig sa ‘kin tapos may gusto kayong iba. Mahihirapan tayo nu’n, hindi natin alam kung saan tayo pupunta.”

The post Jopay Paguia kay Rochelle: Kung ayaw po akong kausapin, walang problema  appeared first on Bandera.

Source link