John Wayne, Jason Lopez, Bailey May pasabog sa GMA Sparkle 

John Wayne, Jason Lopez, Bailey May pasabog sa GMA Sparkle 

John Wayne Alba, Bailey May at Jason Lopez

PASOK na pasok na sa Sparkle GMA Artist Center ang tatlong pinakabagong promising Kapuso artist – sina John Wayne Alba, Jason Lopez, at Bailey May.

Winelkam ang tatlong binata sa pamamagitan ng isang intimate contract signing na ginanap noong Oktubre 7, 2026, sa GMA Network Boardroom.

Dumalo sa contract signing sina GMA Pictures President and CEO at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group na si Atty. Annette Gozon-Valdes; Sparkle GMA Artist Center First Vice President and Head na si Joy C. Marcelo; Assistant Vice President for Talent Recruitment and Development na si Jenny Donato; Senior Manager for Talent Management na si Jan Navarro; at Consultant for Empire PH na si Jonas Gaffud.

Pinangunahan ni Yza Uy ang programa na nagmarka ng panibagong yugto at mga bagong simula para sa tatlong young gentlemen sa kanilang paglagda ng kontrata sa Sparkle.

Nakilala na sa mundo ng pageantry ang Filipino-Italian model at aktor na si John Wayne Alba. 

Matapos niyang katawanin ang Pilipinas at makapasok sa Top 10 ng Mister International 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand, ipinamalas niya ang determinasyon, kasipagan, at pagmamalaki sa kanyang dugong Pilipino, na nagtakda ng mas mataas na pamantayan sa mga pambansang kompetisyon ng kalalakihan.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngayon, excited si John Wayne na ipagpatuloy ang kanyang journey at simulan ang isang kapana-panabik na bagong kabanata ng kanyang karera kasama ang Sparkle GMA Artist Center.

Gumawa naman ng kasaysayan ang model at TV personality na si Jason Lopez bilang kauna-unahang nagwagi ng titulong Mister Pilipinas Worldwide.

Baka Bet Mo: Pokwang type maging leading lady ni Bailey May: Why not!?

Bilang isang tagapagtaguyod ng kultura, pagkamalikhain, performing arts, at palitan ng kaalaman sa iba’t ibang bansa, dala ni Jason ang kumpiyansa, karisma, at matibay na hangaring patuloy na matuto at umunlad.

Ngayong opisyal na niyang sinisimulan ang kanyang paglalakbay sa entertainment industry kasama ang Sparkle GMA Artist Center, inaasahang mag-iiwan siya ng pangmatagalang impresyon sa telebisyon.

Handa namang muling ipakilala ni Filipino-British actor at singer na si Bailey May ang kanyang sarili sa pagbabalik niya sa entertainment industry.

Ang dating housemate ng “Pinoy Big Brother: 737” at dating miyembro ng international pop group na Now United ay excited nang muling mapanood sa telebisyon at makabalik sa recording studio.

Ngayong bahagi na siya ng Sparkle GMA Artist Center, inaabangan ni Bailey ang mga bagong oportunidad sa kanyang karera, lalo na sa musika na nais niyang mas pagtuunan ng pansin.

Sa pagsisimula ng bagong kabanata ng kanilang mga karera, inaasahang masisilayan ang mas marami pang oportunidad para kina John Wayne, Jason, at Bailey sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center.

The post John Wayne, Jason Lopez, Bailey May pasabog sa GMA Sparkle  appeared first on Bandera.



Source link