Jillian Ward nalulungkot na mag-isang naninirahan sa condo dahil…

Jillian Ward nalulungkot na mag-isang naninirahan sa condo dahil…

Jillian Ward

CERTIFIED “independent woman” na ngayon ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa edad niyang 21. 

In fairness, nae-enjoy naman ng Kapuso actress at singer ang solong pamumuhay sa sarili niyang condo unit.

Noong 2024 pa lang ay mag-isa nang naninirahan si Jillian sa kanyang condo at nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya dahil suportado siya ng mga ito sa naging desisyon niya.

Pero aminado ang dalaga na may mga pagkakataong mas pinipili niyang umuwi sa kanyang magulang kesa sa kanyang condo.

Sabi niya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, isa raw sa mga hindi niya nagustuhan sa solo living ay yung mga gabing nagmumuni-muni siya.

“Kapag wala po akong nakakausap, gabi na, kasi du’n po lumalabas lahat ng mga iniisip ko sa life, nag-i-start na po yung pag-o-overthink ko, ganu’n.”

Ang maganda raw sa pagiging independent ay ang pagkakaroon ng oras para sa sarili at ng freedom na magawa ang mga bagay na gusto niya.

Pero kung minsan daw, kapag nasobrahan na ang kanyang alone and me time, “Nalulungkot na po ako.”

Baka Bet Mo: Jillian Ward umaming in love, natikman na ‘tamis ng unang halik’

May times naman na bigla na lang siyang uuwi sa kanyang nanay, “Kunyari po, wala na pong ulam, umuuwi ako kay Mama. Like ngayon po, after nito, hindi po ako uuwi sa unit ko, uuwi ako kay Mama, ganu’n.”

Samantala, kahit 21 na siya ang nanay pa rin niya ang nagma-manage sa kanyang pera. Binibigyan lang daw siya ng allowance for her basic needs. 

“Kasi kapag ako na po yung may hawak ng money, kapag nag-shopping po ako, Tito Boy, grabe po ako mag-splurge. Kaya talagang strict po ako sa sarili ko so far,” aniya.

The post Jillian Ward nalulungkot na mag-isang naninirahan sa condo dahil… appeared first on Bandera.

Source link