Jeo Ong ibinuking ang amoy-anghit sa loob ng Bahay ni Kuya

Jeo Ong ibinuking ang amoy-anghit sa loob ng Bahay ni Kuya

Jeo Ong

INILANTAD na ni “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” Kapamilya housemate na si Jeo Ong ang totoong pinagmulan ng “amoy anghit” sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ilang araw ding naging isyu ang tungkol sa mabahong amoy sa “PBB” house na umano’y nanggagaling sa ilang housemates.

Kaya naman nang muling pumasok sa confession room si Jeo ay kinausap siya ni Big Brother hinggil sa posibleng pinagmumulan ng mabahong amoy sa loob ng bahay.

Tinanong ni Kuya kung bakit napagchikahan nila ni Shea ang isyu sa amoy “baktol” na hindi raw knows ng dalaga kung ano ang ibig sabihin. 

In-explain naman daw ni Jeo kay Shea na ang baktol ay amoy anghit o ang mabahong amoy na nagmumula sa kilikili. Napag-usapan nila ito habang naglilinis si Shea gamit ang mop. 

Sa puntong ito, inusisa ni Big Brother kung totoo bang ang mop ang may hindi kagandahang amoy.

Tugon ni Jeo, “Yes, Kuya, dahil minsan may nag-mop tapos hindi nababanlawan. Tapos yung pinanggamitan ng mop sa loob ng CR, nagamit sa labas.”

“Akala ko housemate,” ang sey naman ni Big Brother kaya natawa si Jeo.

Baka Bet Mo: Boy Tapang bibigyan ng 100K votes si Primo para iligtas sa PBB eviction

“Basta Kuya, sa amoy, dahil lang naman sa kulob, pero ano, Kuya, mabango sila kasi lagi namang naliligo lahat, eh,” sey ni Jeo na binasagang “Linis King” dahil sa sipag niyang maglinis sa PBB house.

Bilang reward, binigyan ni Kuya si Jeo ng bagong mop. 

Matatandaang, naging viral din ang video clip ng usapan nina Jeo at kapwa Kapamilya housemate na si Cianne Dominguez, kung saan maririnig umanong sinasabi ng huli na may mabahong hininga ang binata.

Hindi naman ito pinalampas ng ilang tagasuporta ni Jeo na agad nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa social media.

Pero agad namang pinabulaanan ang naturang alegasyon ng celebrity dentist na si Dr. Ralph Figaroa Delas Alas, o mas kilala bilang Dr. RFD, na minsan nang naging dentista ng pamilya Ong.

Samantala, tila gumanti naman ang ilang netizen matapos maglabasan ang mga komento at alegasyon tungkol sa umano’y body odor ni Cianne.

Nadamay rin sa kontrobersiya si Shea Valerio matapos kumalat ang iba pang video clips na naging dahilan ng espekulasyon ng ilang manonood tungkol sa personal hygiene ng mga housemate.

Dahil dito, hindi na lamang simpleng biruan sa loob ng bahay ang usapin kundi nauwi na rin sa online bashing at personal attacks laban sa mga housemate.

Kaya naman, nagpahayag ng suporta ang singer-actor at kapwa “It’s Showtime” host na si Darren Espanto para kay Cianne.

Kapansin-pansin ang pagkomento ni Darren ng “#HindiMabahoSiCianne” sa isang pahayag ng Star Magic na kumondena sa online bullying, harassment, at personal attacks laban kina Cianne, Shea, at iba pang housemate.

The post Jeo Ong ibinuking ang amoy-anghit sa loob ng Bahay ni Kuya appeared first on Bandera.

Source link