Intramuros buhay na buhay ang kasaysayan sa 1st-ever Night Tour

Intramuros buhay na buhay ang kasaysayan sa 1st-ever Night Tour

PHOTO: Courtesy of Intramuros Administration

PARANG bumiyahe sa nakaraan ang kauna-unahang Intramuros Night Tour na isinagawa ng Intramuros Administration (IA).

Mula alas-6 hanggang alas-8 ng gabi, naging kakaiba ang pag-iikot sa Walled City dahil hindi lang basta pamamasyal ang inihanda para sa mga bisita.

Sa halip, sinalubong sila ng nighttime site activations, guided storytelling, live reenactments, at rolling tranvia tour na nagbigay-buhay sa mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Maynila at Intramuros.

Ilang buwan ding pinaghandaan ang nasabing aktibidad, kabilang ang historical research, rehearsals at koordinasyon ng IA, mga cultural organization, reenactors at iba pang katuwang.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Intramuros Passport pasabog na ‘access pass’, may pa-stamp collection pa

Kabilang sa mga tampok na lugar sa tour ang Centro de Turismo Intramuros, Casa Manila Museum, at Fort Santiago.

Mas naging buhay naman ang mga kwento dahil sa mga historical reenactor na gumanap bilang mahahalagang personalidad at nagpakita ng mga eksenang bahagi ng kasaysayan ng Intramuros at Maynila.

Hindi lang iisang panahon ang tampok sa Intramuros Night Tour dahil iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Maynila ang muling isinalaysay.

Nagsimula ang tour sa Centro de Turismo Intramuros kung saan itinampok ang precolonial settlement ni Rajah Soliman at ang pagkakatatag ng modernong Maynila sa pangunguna ni Miguel López de Legazpi.

Mula roon, tila nag-time travel naman ang mga participant sa Casa Manila dahil dinala sila sa Maynila noong dekada 1890 sa pamamagitan ng isang dinner party na itinanghal sa isang bahay na bato.

Nagpatuloy ang makasaysayang biyahe sa Fort Santiago kung saan ipinakita ang ilang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng lungsod at bansa.

Kabilang dito ang pang-araw-araw na buhay sa Maynila noong 1890s, pagbitay kay Dr. José Rizal, Spanish-American War, Proclamation of Philippine Independence, Japanese Occupation at Battle of Manila.

Pero hindi lang pagiging audience ang papel ng mga participant.

Sa ilang bahagi ng tour, inimbitahan silang maging bahagi mismo ng mga eksena at magsilbing aktibong saksi sa muling pagsasalaysay ng kasaysayan.

Dahil dito, mas naging interactive ang karanasan at hindi lang basta pakikinig o panonood ang ginawa ng mga dumalo.

Layunin ng Intramuros Administration na ilapit pa sa publiko ang kasaysayan sa pamamagitan ng mas malikhaing paraan ng storytelling.

Nais din ng IA na magkaroon ng bagong paraan ang mga bisita para maranasan ang Intramuros pagsapit ng gabi, habang nadaragdagan ang tourism offerings ng Walled City.

Bukod dito, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga cultural at reenactment organization na maibahagi ang kanilang talento, kaalaman, at expertise sa publiko.

The post Intramuros buhay na buhay ang kasaysayan sa 1st-ever Night Tour appeared first on Bandera.

Source link