Gabriela nag-react sa ‘dinosaur’ issue sa PBB: Hindi tropeo ang mga babae!

Gabriela nag-react sa ‘dinosaur’ issue sa PBB: Hindi tropeo ang mga babae!

NAGLABAS ng official staremwnt ang Gabriela Women’s Party kaugnay ng “dinosaur issue” na nagaganap sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ito ay kaugnay sa pagkakaroon ng mga “manok” o pambato sa kung sino ang makakaungos at magkakaroon ng mas maraming “moment” kasama si Gehlee Dangca at itinatago nila ito sa codename na “dinosaur”.

Marami ang hindi nagustuhan ang pag-uugali na ipinapakita nina Anthony Constantino, Raheel Bhyria, Ethan Benares, na nagtatantusan kung sino ang nakakalamang sa pag-damoves na pinalagan na ng Gabriela.

Base sa mga kumakalat na clips, may dalawang “dinosaurs” ang boy housenates na sina Ethan at Jeo Ong:

Baka Bet Mo: Gehlee Dangca hindi trophy ng boys, UNIS fandom nanawagan

“Hindi tropeo, premyo, o pag-aari ng sinuman ang isang babae. May sarili siyang damdamin, pagpapasya, at karapatang magtakda kung paano siya dapat tratuhin,” saad ng Gabriela.

Pagpapatuloy nila, “Ang ganitong mga usapan ay nagpapakita kung paano nagiging normal ang pagtrato sa kababaihan bilang bagay na pinag-aagawan, pinagtatalunan, o ginagawang sukatan ng tagumpay ng kalalakihan.”

Kasunod nito, nanawagan ang Gabriela sa pamunuan ng PBB na linawin ang “dinosaur issue” at kausapin ang mga boy housemates tungkol dito.

Matatandaang nauna nang kinalampag ng independent fanbase ng UNIS, K-pop group na kinabibilangan ni Gehlee, na respetuhin at huwag ituring na parang trophy ang dalaga.

The post Gabriela nag-react sa ‘dinosaur’ issue sa PBB: Hindi tropeo ang mga babae! appeared first on Bandera.

Source link