KNOWS n’yo bang ikalimang member pala ng 90s iconic teen group na Gwapings ang aktor na si Gio Alvarez?!
Unang nakilala si Gio bilang isa sa mga mainstay ng programang “Ang TV” at napasama rin sa cast ng iconic Kapamilya sitcom na “Home Along Da Riles” na pinagbidahan ni Comedy King Dolphy.
Kuwento ng aktor na napapanood ngayon sa Kapuso series na “Delivery Boi” starring Will Ashley, bago nakilala bilang trio, may dalawa pang member na kasama ang Gwapings noon.
Sa mga hindi masyadong aware, ang Gwapings ay ang grupo noon nina Eric Fructuoso, Jomari Yllana, at Mark Anthony Fernandez.
Nakilala naman ang isa pang aktor na si Jao Mapa bilang ikaapat na miyembro ng grupo.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, naichika nga ni Gio na isa siya sa mga original member ng grupo, kasama si Toto Perez.
“Naging lima muna, it was me and Toto Perez. Si Toto Perez was pamangkin nina Amy Perez. From the Brats (tawag sa grupo nila noon), naging five, and then we did a movie, naging three na,” pagbabalik-tanaw ni Gio.
Ang yumaong talent manager daw na si Douglas Quijano ang naka-discover sa kanya, after niyang gampanan, kasama ang kapatid niyang si Gila Alvarez at si Jomari Yllana, ang younger version ng mga bida sa 1991 classic movie na “Hihintayin Kita sa Langit.”
Baka Bet Mo: ‘Balls’ ni Jomari hinawakan ng fans noong kasikatan ng Gwapings; Carmina ‘nahipuan’ sa mall show
Dinala raw sila ni Douglas sa dating sikat na clothing brand noon na Brats, para maging model.
“Kasama ‘yung Gwapings du’n. So madami talaga ‘yan, group of kids talaga. My brother was part of it, si Luigi, and then kasali si Paulie Yllana na kapatid ni Jomari, and a lot of the old kids,” sey ni Gio.
Kasunod nito, nabuo nga ang unang five-member group ng Gwapings.
Para naman kay Jao Mapa na kasabay ni Gio na nag-guest sa “Fast Talk”, itinuturing niyang karangalan na maging fourth member ng Gwapings.
“At least every kid I know, at the time, (gustong maging member ng Gwaping). Yes, because they’re still hype right now, they’re the Gwapings, so mataas ang tingin ko sa kanila.
“We were friends and pretty sure the media would try to split us up, would do bad things to put hype probably or something, but hindi ko talaga pinansin ‘yung mga balita na ganu’n.
“Because I also owe it to them that they accepted me to be the fourth,” ang sey pa ni Jao.
The post Gio Alvarez naging member din ng Gwapings nina Eric, Jomari, Mark, Jao appeared first on Bandera.
